GMA Logo Euwenn Mikaell
Photo by: Euwenn Mikaell
What's Hot

Euwenn Mikaell, ipinasilip ang eksena kasama si Nadine Samonte sa 'Forever Young'

By Aimee Anoc
Published April 18, 2024 10:12 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Trump brands fentanyl a ‘weapon of mass destruction’ in drug war escalation
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News

Euwenn Mikaell


Silipin ang ilang behind-the-scenes ni Euwenn Mikaell kasama sina Nadine Samonte, Althea Ablan, at Princess Aliyah sa taping ng 'Forever Young,' dito.

Kabilaan ang proyektong ginagawa ngayon ng award-winning child actor na si Euwenn Mikaell.

Base sa Facebook posts, apat na araw nang sumasalang sa taping si Euwenn para sa bagong pelikula kung saan ang ilan sa mga aktor na kasama niya ay sina Baron Geisler, Joem Bascon, at Jennica Garcia.

Bukod sa ginagawang pelikula, tuloy-tuloy rin ang pagsalang ni Euwenn sa taping ng pinakabagong inspirational drama series ng GMA na Forever Young.

Pagbibidahan ni Euwenn ang upcoming afternoon series na ito at makikila bilang Rambo. Si Rambo ay isang 25-year-old na na-trap sa katawan ng isang 10 year-old dahil sa rare medical condition na panhypopituitarism kung saan naapektuhan ang paglaki nito.

Makakasama ng child actor sa serye sina Michael De Mesa, Eula Valdes, Rafael Rosell, Alfred Vargas, Nadine Samonte, Althea Ablan, Princess Aliyah, Bryce Eusebio, Lucho Ayala, at James Blanco.

Sa Facebook post ngayon araw, April 17, ipinasilip ni Euwenn ang isang eksena kasama si Nadine, na gaganap na ina niya sa Forever Young.

Ipinakita rin ni Euwenn ang kulitan moment kasama ang mga kapatid sa serye na sina Althea at Princess.

Ang Forever Young ay sasailalim sa direksyon nina Gil Tejada Jr. at Rechie Del Carmen.

Abangan ang Forever Young, soon sa GMA Afternoon Prime.