Showbiz News

WATCH: 32 fan clubs nagbigay ng enggrandeng post-birthday party for Maine Mendoza

By AEDRIANNE ACAR

Full force ang mahigit 30 fan clubs ng Dubsmash Queen of the Philippines na si Maine Mendoza ang umattend sa enggrandeng post-birthday celebration na handog nila sa kanilang idolo.

LOOK: Best moments captured on camera at #MaineAt22UnityEvent

Present sa naturang event ang buong pamilya ni Maine at pati na rin ang ama ni Alden Richards na si Richard Faulkerson, Sr. o mas kilala sa tawag na Daddy Bae.

Taos-puso ang pasasalamat ng Destined To Be Yours lead actress sa lahat ng mga tao na nag-organisa ng party para sa kaniya nang makapanayam ito ng 24 Oras.

Ani Maine, “Salamat muna kasi eto medyo nasurprise-surprise pala 'tong party na ito. Two days ago ko lang nalaman, so salamat sa punong abala at sa mga naglaan ng oras at effort para matuloy ‘tong party na ito.”

Nagpaabot din ng pagbati ang mga kapatid ni Menggay na sina Nico Mendoza at Coleen Mendoza para sa birthday girl.

Ayon kay Nico, “Menggay good health and sana marami ka pang mapasayang tao. Kahit ganun ‘yung katawan ni Menggay malakas kumain si Menggay (laughs).”

Dagdag naman ni Coleen, “Ang wish ko sana maging happy ka ‘yun lang. Kasi you have everything naman.”

Video courtesy of GMA News

MORE ON 'DESTINED TO BE YOURS':

WATCH: Alden Richards happy with success of 'Destined To Be Yours'; confirms big concert in May

EXCLUSIVE: Maine Mendoza, thankful sa pag-alalay ng director at co-stars  

Alden Richards, pinuri si Maine Mendoza sa pagganap sa unang soap

Photos by: @grace__margarico(IG)