Celebrity Life

EXCLUSIVE: Chef Boy Logro, ibinahagi ang retirement plan niyang agritourism farm

By Maine Aquino
Published August 26, 2020 6:34 PM PHT
Updated August 26, 2020 6:45 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Louvre museum installs security bars on balcony used in October's heist
'Boga' hurts 2 kids in Iloilo; hit in the eyes
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News

Chef Boy Logro


Ayon kay Chef Boy Logro, ang kanyang farm ang pinagkukuhaan niya ngayon ng pagkain.

Proud na proud si Chef Boy Logro sa bunga ng kanyang pagsisikap. Kuwento ng Idol sa Kusina, siya ay nakapagpatayo ng agritourism farm sa Davao de Oro.

Sa exclusive na video na ipinadala ni Chef Boy sa GMANetwork.com, ibinahagi niya ang kuwento sa likod ng kanyang ipinatayong farm.

Saad ni Chef Boy, "Ito po kasi ang pangarap ko."

Chef Boy Logro


Paglilinaw pa ng Kapuso celebrity chef, ito umano ang kanyang retirement plan.

"Lahat naman tayo may sinasabi na retirement plan. So this is my retirement plan talaga sa buhay ko.

Para kay Chef Boy, magandang desisyon ang pagpapatayo ng isang farm.

"Napakaganda po pala kapag meron kang farm, kasi mahirap 'yung puro ka na lang trabaho tapos wala kang farm."

Saad pa niya ang mga tanim sa kanilang farm ang kanilang pinagkukuhaan ngayon ng pagkain.


"Na-e-enjoy ko 'yung buhay ko kasi nga 'yung sa farm magandang maganda dahil ang farm ay nandiyan puwede mo pong pagkuhanan ng pagkain."

Ibinahagi rin ni Chef Boy na malapit nang makumpleto ang kanyang agritourism farm. Nagsimula niya umano itong ipinatayo last year.

"One year ago na, siguro matatapos yan within this year... Actually tapos na siya 'yung swimming pool, agritourism so puwede na po siya... 2021 kumpleto na po siya."

Fresh episodes ng 'Idol sa Kusina,' mapapanood sa GMA Network!

EXCLUSIVE: Chef Boy Logro, may payo sa mga nais sumubok ng food business