
Hindi malayo maging future The Clash contestant ang isang bata na patok ngayon sa TikTok dahil sa husay nito sa pagkanta.
Bakit siya sikat?
Napabilib ni Prince Angco ang marami sa app, dahil kahit visually impaired siya ay may ibubuga ito sa kantahan.
Sa one-on-one interview ni Drew Arellano sa Family Time kay Prince at sa nanay niyang si Princess Angco ay mas lalo nitong nakilala ang talented performer.
Ikinuwento din ni Mommy Princess kung paano naging visually impaired si Prince na may kinalaman sa pagkakaroon niya ng sakit noong ipinagbubuntis niya ito.
Saad niya, “Noong buntis po ako sa kanya, then nag-start na po ako nilagnat, umatake po 'yung asthma ko. [Ito] po 'yung posibleng cause kaya daw po siya nagkaganyan, kasi habang pinagbubuntis ko siya nilagnat po ako.
“Ang naapektuhan daw po 'yung mata daw po niya.”
Kahit may kapansanan, hindi rin daw mahirap alagaan si Prince.
Ani Mommy Princess, “Hindi naman po siya ganun kahirap alagaan Sir Drew, kasi po noong maliit po siya tahimik lang po siyang bata.”
Inusisa naman ni Drew si Princess kung kanino ba namana ng anak ang husay sa pagkanta.
“Mahilig po kasi kaming parehas mag-asawa. 'Yung asawa ko po mahilig po talaga siya magpatugtog, ako rin po mahilig din po ako kumanta then sa side po ng papa ko mahilig din po talaga kami kumanta.”
Tuwang-tuwa naman si Prince na sa munting paraan niya ay marami siyang napapasayang tao sa TikTok.
Pagbabahagi niya sa Family Time, “Masaya po ako kasi marami po akong napapasayang tao. Minsan po binabasa po ni Mama 'yung comment sa TikTok at tsaka marami na pong nagfa-follow sa akin.”
Catch the full story of Prince Angco on Family Time in the video above and don't miss the episode of the show every Friday night on GMA News TV.
Family Time: Delivery driver na working student, inspirasyon ng marami online
Family Time: Pinoy mom cooks Filipino dishes for her Fil-Am twins and stepdaughters
Drew Arellano admits to reducing his TV work to spend more time with his family
Family Time: Why laugh in the midst of the ongoing COVID-19 pandemic?