Showbiz News

EXCLUSIVE: Paano nalaman ni Kylie Padilla na buntis siya with baby number two?

By Cara Emmeline Garcia

“Nakakatawa 'yung story.”

Kylie Padilla

'Yan ang panimulang salita ni Kapuso actress Kylie Padilla nang malaman niyang buntis siya muli sa kaniyang asawa na si Aljur Abrenica.

“It's April Fool's day.

“Nag-iisip ako ng prank kasi si Aljur pinrank niya ako.

“Ang ginawa ko, kumuha ako ng pregnancy test tapos sinulatan ko ng red, nag-CR ako, tapos inihan ko kunwari,” aniya sa GMANetwork.com

Nang tawagin niya ang kaniyang asawa ay agad-agad itong hindi naniwala sa kaniyang prank.

“Sabi niya 'Weh! 'Di naman totoo yan, ballpen yan o.'”

Ilang araw ang nakalipas at hinihintay ni Kylie ang kaniyang menstrual period ngunit hindi ito dumating.

Dito na-alarm na ang aktres na baka siya ay buntis muli.

“Sabi ko, 'Oh my god! Totoo na yata ito! Pero hindi…'

“Naghintay ako ng five days tapos wala nga. So, ako 'yung na-prank kasi buntis talaga ako. Hahaha!”

Dagdag pa ng aktres na may nakahanda na siyang pangalan para sa anak niya ngunit wala muna siyang planong sabihin ito sa press.

Ang natatanging clue?

“Basta letter 'A' siya nagsisimula,” pabirong sagot ni Kylie.

Inanunsyo ng former TODA One I Love actress sa kaniyang YouTube channel na siya ay nagdadalang-tao noong Linggo, August 4.

JUST IN: Kylie Padilla is pregnant with baby number two!

IN PHOTOS: Meet Kylie Padilla and Aljur Abrenica's firstborn, Baby Alas Joaquin