Showbiz News

Pamilya ni LJ Reyes sa New York, ramdam din ang epekto ng COVID-19

By Aedrianne Acar

Kasama sa dasal palagi ng Kapuso actress na si LJ Reyes ang kanyang mga kamag-anak na nakatira sa Estados Unidos lalo na at may kinakaharap tayong pandemya.

Sa panayam nina LJ at Paolo Contis kamakailan sa video conference with the entertainment press sa pangunguna ng GMA Corporate Communications, naikuwento ni LJ na may pamilya siyang nakatira sa New York na isa sa states na may mataas na bilang ng kaso ng COVID-19.

Base sa datos na nakalap ng statista.com, may mahigit sa 370,000 na tao ang tinamaan ng coronavirus sa New York.

Kuwento ni LJ, "My family there is very blessed na puwede sila mag-work from home, 'Yung pamangkin ko doon, home schooling din sila until the end of their school year kasi patapos pa lang sila.

"Mayrun silang business, medyo na-hit 'yung business, 'yun 'yung medyo struggling. Pero the fact that they are healthy and safe, 'yun 'yung lagi ko pinapasalamat sa Diyos tuwing nagdadasal ako na okay sila."

Nag-iingat din daw silang lahat doon at palaging nagsusuot ng mask at tumatalima sa social distancing.

Wika ng Kapuso actress, "'Lagi naman silang nagti-take ng precautionary measures. So when they have to go out, siyempre they wear masks and siyempre 'yung social distancing din hindi nawawala.

"Suguro kasi doon talaga mas madali mag-social distance kasi malalaki 'yung lugar nila."

Kamusta naman kaya ang adjustment ng anak ni LJ na si Aki ngayong ilang buwan na silang naka-home quarantine?

Alamin ang naging sagot ni LJ Reyes sa Kapuso Showbiz News:

Paolo Contis, tinutukan ang pagsusulat for 'Bubble Gang' habang naka-quarantine

LJ Reyes, Paolo Contis congratulate Mark Herras and Nicole Donesa on their engagement