Showbiz News

Paolo Contis, isinalang sa #Acting103 workshop si Summer

By Maine Aquino

Lalong humuhusay sa pag-arte ang cute na cute na anak nina Paolo Contis at LJ Reyes.

Sa latest Instagram post ni Paolo, ipinakita niya ang update sa workshop na kanyang ginagawa kay Summer.

Ayon sa Kapuso comedian, ito ay ang Acting 103. Biro pa niya dahil day 103 na ng lockdown.

Saad ni Paolo, "Dahil #Lockdown Day103 na today, mag #Acting103 tayo! Natutuwa ako kay Summer dahil very professional na talaga!! Wala pang action, ready na agad!"

Panoorin si Summer at ang kanyang pang-professional na "galit acting" sa post ni Paolo.


IN PHOTOS: Paolo Contis and baby Summer's adorable moments

Paolo Contis, galit na galit sa nang-insulto kay Baby Summer