Showbiz News

Bont Bryan Oropel, emosyonal nang maalala ang bakasyon kasama sana ang yumaong ama sa Thailand

By Aedrianne Acar

Nabalot nang lungkot ang YouTuber na si Bont Bryan “Master Hokage” Oropel nang maalala muli ang yumaong ama na si Papa Doms sa kanyang post sa Instagram.

Matatandaan na sunud-sunod ang dagok na naranasan ng pamilya ni Bont Bryan base sa vlog na inupload niya noong nakaraang buwan.

Bukod sa masalimout na kuwento na namatay ang kanyang ama bago pa man nila ito naipasok sa ospital, nagpositibo siya pati na rin ang girlfriend niya na si Baninay Bautista sa sakit na COVID-19.

Emosyonal ang Instagram post ni Bont Bryan Oropel nang maalala ang kanyang ama na si Papa Doms/ Screenshot taken from Bont Bryan Oropel's Instagram account

Sa post ni Master Hokage last Sunday, September 13, sinabi nito na dapat ay may lipad papuntang Bangkok, Thailand ang pamilya niya kasama si Papa Doms na hindi na matutuloy ngayong buwan.

Malungkot na sambit ni Bont, “It supposed to be my first out of the country trip with my parents. Sad to say hindi nakaabot si papa. Matagal ko na pinlano 'to, gustung-gusto ko sila ipriority sana this year.”

Pagpapatuloy niya, “Hangang imagination na lang ako ngayon ng trip namin. Plano pa sana namin dumeretcho ng Bangkok kasi gusto ni papa maexperience yung floating market :( Sana kahit panaginip makatravel tayo pa.”

Nakapanlulumo para sa sikat na vlogger na hindi na niya natupad ang mga plano para sa kanyang mga magulang lalo na sa tatay niya.

Wika niya, “Sabi ko pa nga nun ang goal ko this year eh bumawi ako sa mga magulang ko. 'Yung tipong bibigay ko lahat ng gusto nila, lahat ng ituro nila, lahat ng bagay na makakapag pasaya sa kanila. Sad to say, hindi nakaabot si papa.

“Sobrang hirap na 'yung pinagpaplanuhan mo bigla na lang mawawala at hindi mo na kayang magawa.

“Sobrang kampante kasi ako siguro dati sa buhay ng tao, 'yung tipong akala ko madami pang time lagi, pero hindi pala ganun.

“Hindi ko lang din talaga inakala na magkakavirus ng ganito at maaapektuhan si papa.”

Panghuli, nag-iwan si Bont Bryan Oropel nang paalala sa lahat na iparamdam sa mga mahal natin sa buhay kung gaano sila kahalaga kahit sa simpleng pamamaraan.

Aniya, “Kung may oras ka ngayon para maiparamdam sa kanila kung gaano mo sila kamahal dapat gawin mo na. Kahit 'yung simpleng 'I love you' lang basta malaman nila kung gaano mo sila kamahal.

“Life is too short para ipagpabukas pa natin 'yung pagmamahal na kaya naman natin ibigay ngayon.

"Tomorrow is not promised.…"

Pangako ni Bont sa kanyang tatay: "Miss na kita sobra. Hayaan mo pa, itutuloy ko yung gala natin kapag okay na lahat. Isasama kita kahit picture mo na lang pa, pangako ko 'yan. Salamat sa lahat ng pagmamahal mo pa. Mamahalin at aalagaan ko si Mami. I love you.”

TINGNAN: Mga naipundar ng sikat na vloggers at social media stars