Showbiz News

Vloggers Baninay Bautista at Bont Bryan Oropel, nagpositibo sa COVID-19

By Maine Aquino

Emosyonal na ibinahagi ng vloggers na sina Baninay Bautista at Bont Oropel ang kanilang mga pinagdaanan nang magpositibo sila sa COVID-19.

Sa vlog ni Baninay, ikinuwento niya ang mga naganap nang makuha niya ang resulta ng kanyang swab test.

"3 days after ko magpa-swab test sa ospital, Friday ako nagpa-test. Dumating ng Saturday, Sunday and ngayon Monday night, naka-receive ng tawag 'yung kuya ni Bon na kasama ko sa bahay kasi tatlo kaming nagpa-test, si mommy, si kuya at ako. Si Bon kasi hindi siya agad nagpa-test kasi masama 'yung pakiramdam niya noong araw na 'yun. Ngayon nga tumawag yung ospital for the result and una niyang kinonfirm na positive 'yung kuya ni Bon."



Dugtong pa ni Baninay, ay nagpositibo rin sila ng kanyang ina sa COVID-19.

"Sinabi na rin na positive rin kami, kaming dalawa ni mommy. So kaming tatlong nagpa-test lahat kami positive. It's like two hours na after kong malaman yung result and ngayon ko pa lang na-compose 'yung sarili ko."

Ayon pa sa kanyang vlog, nabalot siya ng takot nang malaman niya ang resulta ng kanilang test.

"Kanina nung nalaman ko sobrang umiyak ako, natakot ako. Naging emotional din ako. Kasi may fear kasi alam naman natin na walang gamot and all pero to tell you guys honestly sobrang wala akong nafi-feel na kahit ano, thank you Lord. yun na lang talaga ipinagpapasalamat ko kasi kahit ubo, sipon, lagnat, wala."

Si Bon naman ay nag-upload din ng video para ibahagi ang nangyari sa kanyang pamilya.

Ayon kay Bon, pumanaw ang kanyang ama bago pa man ito naipasok sa ospital.

Nagsimula umano ito sa check up ng kanyang ama na may sakit sa puso. Sa resulta ng kanyang xray ay may pneumonia na ang kanyang ama.

Kuwento ni Bon, "Pinakita doon na may pneumonia si Papa, nakita ko yung reaction nila mommy and si Papa. Nakita ko na nagulat sila tapos sabi pa sa amin ng doktor doon, hindi ako nagbibiro baka may COVID ka. Papa ko medyo nagsikip na yung dibdib niya."

Nagdesisyon umano silang dalhin sa ospital ang ama nito. Pero nahirapan sila dahil nga sa dami ng mga pasyente na nagpapagamot sa COVID-19.

"Ang ni-require sa kanya ng doktor, isolation room na agad si Papa. Hindi naman siya ma-accommodate agad doon sa ospital, lumipat kami ng Bacoor, meron kaming pinuntahang isang ospital wala din daw available room."

Dito ipinagpatuloy ni Bon kung paano siya nagmakaawa sa isang ospital ngunit hindi pa rin nakapasok ang kanyang ama. Kuwento niya pumanaw ang kanyang ama sa likod ng kanilang sasakyan.

Ibinahagi rin ni Bon ang nangyari nang nagpa-swab test siya.

"Sobrang lungkot kasi nawala yung papa ko, nagpositive yung buong pamilya ko and ngayon naka-quarantine ako dito sa bahay namin. Sorry kung naging ma-drama ako, i-update ko na lang kayo guys. Salamat!"

Panoorin ang kuwento nina Baninay at Bon sa kanilang video.



Kapuso reporter na si Chino Gaston, nagpositibo sa COVID-19

How to avoid virus transmission through surfaces and objects according to COVID-19 survivors

Donita Nose recovers from COVID-19; thanks medical frontliners