Showbiz News

Rachelle Ann Go, kinakantahan ang ipinagbubuntis kada umaga

By Marah Ruiz

Kahit naka-lockdown ang London dahil sa bagong strain ng COVID-19 virus, nae-enjoy pa rin daw ni singer and actress Rachelle Ann Go ang kanyang pagbubuntis.

Sunud-sunod din kasi ang blessing na natanggap niya dahil naipaayos na nila ng kanyang asawang si Martin Spies ang kanilang tahanan.

gorachelleann IG

Ngayon, inaayos na daw nila ang isang baby room bilang paghahanda sa pagdating ng una nilang supling.

Nasa 30 weeks na ang ipinagbubuntis ni Rachelle Ann at suwerte daw siyang walang mga kumplikasyon ang kanyang pregnancy.

Nakakapagtrabaho pa nga daw siya kahit nasa bahay lang.

"Mas maraming time to serve the church. I've been recording. I've been dong online services. Pagka may mga gigs din ako na nanggagaling sa Philippines, I've been recording stuff which is easier ngayon na buntis ako," pahayag niya.

Bukod dito, nagagawa pa niyang kantahan ang kanyang baby bawat umaga bilang bahagi ng kanyang daily routine.

"Every morning kasi, when I do my quiet time, nagpe-play ako ng worship music. Hala sige, kanta 'ko nang kanta. 'Pag naghi-hit na ko ng high notes, hindi ko alam kung naiingayan siya or nae-enjoy niya," kuwento ni Rachelle Ann.

Nagre-react naman daw ang baby sa kanyang pagkanta.

"Masipa, especially when I'm singing. Kapag nagpe-play kami ng music, 'pag maingay, sumisipa 'yung baby," aniya.

Aminado din siya na nakakaramdam ng kaunting kaba, lalo na sa panganganak.

"Ang lagi kong tanong, masakit ba? 'Yun talaga 'yung fear ko eh. Before, if you ask me months ago kung may plano kaming magka-baby, ang sasabihin ko talaga ayoko kasi takot ako sa pain.

"Kung nagawa na ng ilang bilyong kababaihan sa buong mundo, kaya ko 'yan," bahagi niya.

Buti na lang daw, makakasama niya ang kanyang ina sa kanyang panganganak.

"Sabi ko sa asawa ko, okay lang ba na paputahin si Mama dito? And thank God sa kultura ng mga South African, they're family oriented as well. Sanay sila na kasama ang parents so we agreed na papuntahin si Mama dito," kuwento ni Rachelle Ann.

Samantala, nais daw muna niyang mag-focus sa kanyang baby kaya hindi muna siya tatanggap ng trabaho ngayong 2021.

Una na niyang tinaggihan ang Les Misérables concert noong nakaraang Disyembre.

"Baka 'pag nag-belt ako, bigla akong manganak sa stage. I think they're opening this year as well. I'm not sure if I can do shows this year dahil nga mas masarap na rin 'yung mag focus muna sa baby," aniya.

Panoorin ang buong ulat ni Nelson Canlas para sa 24 Oras sa video sa itaas.

Kung hindi ito mapanood, pumunta lamang dito.

Tingnan ang pregnancy journey ni Rachelle Ann sa gallery na ito: