Showbiz News

Marian Rivera posts photo of Ziggy Dantes making pizza

By Aimee Anoc

Enjoy na enjoy sa paggawa ng pizza si Ziggy, base 'yan sa mga larawang ibinahagi ni Primetime Queen Marian Rivera- Dantes sa Facebook.

Nag-a la-chef si Ziggy sa suot na toque na may pangalan niya. Makikita sa mga larawan kung paanong sunud-sunod na inilalagay ng anak ni Marian ang ketchup, ham at cheese.

"Chef Sixto," caption ni Marian sa anak.

Hindi naman nakapagpigil ang ilang netizens na iparating ang kanilang tuwa kay Ziggy.

"Little cute chef cook in the making," pagbabahagi ni Maryvin Baticos.

"May ebidensya na tinikman ni baby ang pizza haha cute," sulat naman ni Arnax Gnisnoc.

"Cuteness overload... wow ang galing naman pareho sila ni Ate Zia," dagdag pa ni Ljk Aicrag.

"Wow yummy gawa bb sixto," sabi ni JL Taparan.

"Chef sixto, pa order po! Cutest celebrity ever!" biro naman ni Marney Santos.

"Ang pogi mo talaga baby, kakagigil ka," sabi ni Marife Pace.

Ikinasal sina Marian at Primetime King Dingdong Dantes noong 2014 at biniyayaan ng dalawang anak na sina Maria Letizia "Zia" Dantes at Jose Sixto "Ziggy Dantes IV.

Samantala, patuloy na mapapanood sina Marian at Dingdong sa Philippine adaptation ng hit Korean series na Endless Love, Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng Legal Wives sa GMA Telebabad.

Tignan sa gallery na ito ang cutest photos ni Ziggy Dantes: