
Masayang ibinahagi ni LJ Reyes ang natanggap na sulat mula sa panganay na anak na si Ethan Akio.
Sa Instagram, ikinuwento ni LJ kung gaano siya nagiging emosyunal sa tuwing makatatanggap ng sulat kay Aki.
"Handwritten notes from Aki are the best! Ewan ko pero lagi talaga akong tunaw na tunaw lagi when I get these handwritten notes from my son," pagbabahagi ni LJ.
Biro pa ng aktres sa nararamdamang saya sa tuwing makatatanggap ng sulat mula sa anak, "Proof ba na batang 90s ako? But honestly, I think expressing your feelings and showing your appreciation through this small gesture are always the best way to show and make people feel special!" dagdag niya.
Sa sulat, ipinarating ni Aki kung gaano niya kamahal ang ina at ang isa sa mga kahilingang makatanggap ng laruan.
"Dear mommy, I love you forever and I wish that you will love me forever and I wish that you buy me a toy," sulat ni Aki.
Kasalukuyang nasa New York City si LJ kasama ang dalawang anak na sina Aki, 11 at Summer Ayana, 2, matapos na aminin ang paghihiwalay nila ng kanyang longtime partner na si Paolo Contis.
Samantala, tingnan ang masasayang sandali ni LJ Reyes kasama ang anak na sina Ethan Akio at Summer Ayana sa gallery na ito: