
Mapapanood na tuwing Sabado sa GMA ang inspiring youth-oriented drama series ng GMA Public Affairs na MAKA.
Magbibigay kulay at inspirasyon sa Gen Z series ang Sparkle stars na sina Zephanie, Marco Masa, Ashley Sarmiento, Dylan Menor, John Clifford, Olive May, Chanty Videla, Sean Lucas, at May Ann Basa o "Bangus Girl."
Sasamahan sila ng seasoned actor na si Romnick Sarmenta, na makikila bilang ang Art teacher na si Sir V o Victor Felipe.
Magkakaroon din ng reunion sa teen show ang That's Entertainment stars na sina Tina Paner, Sharmaine Arnaiz, Maricar de Mesa, at Jojo Alejar, kasama ang beteranang aktres at singer na si Carmen Soriano.
RELATED GALLERY: Meet your new Gen Z barkada in 'MAKA'
Tampok sa youth-oriented show na may musical elements ang kuwento ng high school students sa Arts & Performance (A&P) section ng Douglas MacArthur High School for the Arts o MAKA.
Matutunghayan dito ang ilang relatable issues na kinakaharap ng mga Gen Z at ang kanilang pakikisalamuha sa ibang henerasyon tulad ng millennials, Gen X, at boomers.
"Ang 'MAKA' po ay isang eskuwelahan kung saan kami magiging magkakaklase," sabi ni Zephanie. "At lahat po kami ay magtutulong-tulong para maisalba 'yung school namin dahil gusto po naming maabot 'yung pangarap namin. Marami po kaming struggles, pero, at the same time, marami rin pong darating para tulungan kami."
Abangan ang MAKA tuwing Sabado, 4:45 p.m. sa GMA.
Panoorin ang full trailer ng MAKA sa video na ito:
TINGNAN ANG NAGANAP NA MEDIA CONFERENCE NG MAKA SA GALLERY NA ITO: