
Balik sa action si Kapuso actor and model Gil Cuerva sa tech-driven action-drama series na Taskforce Firewall.
Magiging guest star si Gil sa upcoming episodes ng serye.
"I'll be playing the role of Hans. Mayroon akong kapatid, hindi ko muna isi-spoil kung sino 'yung kapatid ko pero siya 'yung parang mas boss ko. Si Hans mayroon siyang ginagawang mga dirty activities na magiging subject ng Taskforce Firewall to solve," kuwento ng aktor.
Masaya rin sa Gil sa pagbabalik niya sa action matapos gumanap bilang PDEA agent sa 2019 series na Beautiful Justice.
"I love to do action. I get in a good sweat. Ang saya din! At saka 'pag nakikta mo 'yung eksena nang buo, napaka-fulfilling na makita na lahat ng ginagawa kong mga stunts and stuff like that were put into good use," lahad niya.
Handang-handa rin daw siya sa bakbakan, salamat sa regular weekly training niya sa jiu jitsu.
"I use it as therapy, as a way to improve my life, improve my overall mental wellbeing and to build confidence din," bahagi ni Gil.
Abangan si Gil Cuerva sa Taskforce Firewall, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Prime. Naka-simulcast ito sa GMA-7, Heart of Asia, at I Heart Movies.
May second telecast din ito sa GTV tuwing 10:30 p.m. at mapapanood din GMA Play.
I-download ang GMA Play sa Apple App Store at Google Play. Available din ito sa GMANetwork.com/GMAPlay at sa mga Android TV.
Panoorin ang buong panayam ni Aubrey Carampel kay Gil Cuerva para sa 24 Oras: