Klea Pineda, inilaan ang quarantine period sa pamilya
Ibinahagi ni Magkaagaw actress Klea Pineda na ginamit niya ang quarantine period para bigyan ng oras ang kanyang pamilya.
Aniya, naging abala siya sa trabaho at lagi siyang hindi umuuwi bago naipatupad ang enhanced community quarantine sa Luzon at naging daan ito para mabawi niya ang oras na 'di naibigay sa pamilya.
“I don't need to go somewhere else because wherever my family is, that's where my heart is,” aniya.
“Mahilig ako umalis. Mahilig ako mag-travel, pumunta kung saan-saan but we should learn how to find our peace kahit nasa iisang lugar lang,” dagdag pa ng aktres.
Samantala, na-realize naman ni StarStruck Season 7 winner Kim de Leon ang halaga ng bayanihan.
“I realize that I am so tiny yet so big in this universe. Tiny kasi may mga bagay na hindi ko kaya kontrolin.
“Big kasi nakikita ko na kapag nagsama-sama tayong lahat as a whole things can be changed. Na-realize ko 'yung tunay na kahulugan ng 'all for one and one for all,” dagdag pa ni Kim.
Para naman kay Kapuso actor Manolo Pedrosa, ang tunay na kayamanan umano ay ang pagkakaroon ng malusog na pangangatawan.
“Being healty is not just for ourselves but then for the people around us. Because we are a community and our actions may affect others.
“So we all have to work together for this,” aniya.
Dahil sa banta ng 2019 coronavirus disease (COVID-19) sa bansa, ipinatupad ang enhanced community quarantine noong March 17 at ayon sa unang mandato, inaasahang matatapos ito sa April 14.
Gayunman, ayon sa Inter-Agency Task Force for Emerging Infectious Diseases (IATF-EID), nakatakdang dinggin ng mga opisyal ng gobyerno ang rekomendasyon ng extension ng EQC sa Monday, April 6.
Stay safe, mga Kapuso!
Panoorin ang buong 24 Oras report:
Kapuso stars offer prayers for the affected families of COVID-19
Kapuso stars honor COVID-19 frontliners for service and dedication