Showbiz News

Benedict Cua, kinailangang i-isolate ng sariling pamilya matapos magkaroon ng ubo

By Aedrianne Acar

Naranasan mismo ng vlogger at Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday star Benedict Cua kung paano ma-isolate nang magpakita siya ng isa sa sintomas ng COVID-19.

Ayon sa mga eksperto, ilan sa mga sintomas ng COVID-19 ay ubo, lagnat, at hirap sa paghinga.

Dr. Jerry Cua, ipinaliwanag kung ano'ng ibig sabihin ng isang tao na 'asymptomatic' sa COVID-19

Sa kanyang latest vlog kung saan kasama niya ang kapatid na si Dr. Jerry Cua, umamin ang chinito heartthrob na nagkaroon siya ng ubo at kinailangang i-isolate ng sariling pamilya.

Kuwento ni Benedict, "Puwede na sabihin 'di ba na ikin-quarantine nila ako?

"Kasi nagkaroon ako ng ubo, so pag-uwi ko napraning siya (Jerry), so ikin-quarantine nila ako."

Sabat ni Jerry, "Hiniwalay ko siya ng kuwarto, hiniwalay namin utensils niya. Wala siyang interaction sa outside world.

"Better be safe kasi wala tayong testing capabilities."

Panoorin ang buo niyang vlog below.

Mga celebrities na may pamilyang healthcare workers o frontliners