advertisement
Celebrity Life

Celebrities na may pamilyang healthcare workers o frontliners

1 of 44

Alden Richards 

Nagtatrabaho bilang nurse sa California ang kuya ni Alden Richards na si RD Faulkerson.

2 of 44

RD Faulkerson 

Hindi napigilan ni Alden na maging emosyonal sa isang interview nang alalahanin niya ang kapakanan ni RD na nagsisilbing frontliner sa ibang bansa.

3 of 44

Ruby Rodriguez 

Kapatid ng 'Eat Bulaga' host na si Ruby Rodriguez ang presidente ng The Philippines Pediatric Society na si Dr. Sally Gatchalian.

advertisement
4 of 44

Dr. Sally Gatchalian 

Noong March 26, 2020, ibinahagi ni Ruby sa social media na pumanaw si Dr. Sally sa complication dulot ng COVID-19. Sa hiwalay na Instagram post, sinabi ni Ruby na proud siyang tawaging kapatid si Dr. Sally sa sakripisyo nito bilsng isang frontliner.

5 of 44

Vicky Morales 

Bago maging broadcast journalist si Vicky Morales, ginusto niya munang maging doctor gaya ng kaniyang ama na si Dr. Dante Morales.

6 of 44

Dr. Dante and Dr. Daffy Morales

Parehong cardiologists ang ama at kapatid ni Vicky Morales na sina Dr. Dante at Dr. Daffy Morales. Nakikiisa si Dr. Daffy sa mga healthcare workers at frontliners laban sa COVID-19.

Vicky Morales lauded for being the public's voice on Koko Pimentel's quarantine breach

advertisement
7 of 44

K Brosas 

Nurse sa Italy ang ate ng komedyanang si K Brosas na si Emily Brosas.

8 of 44

Emily Brosas 

Madalas na ipinagdarasal ni K ang kaligtasan at kalusugan ng kaniyang Ate Emily at iba pang frontliners mula sa banta ng COVID-19.

9 of 44

Vice Ganda

Isang doktor na kabilang ngayon sa libo-libong frontliners ang ate ni Vice Ganda na si Dr. Tina Viceral.

advertisement
10 of 44

Dr. Tina Viceral

Nakatanggap ng pagbati si Vice Ganda mula sa ate niyang doctor nang ipagdiwang niya ang kanyang birthday noong March 31. Ang komedyante raw ang nagpapatatag ng loob ni Dr. Tina Viceral ngayong nagseserbisyo siya laban sa COVID-19.

11 of 44

Ria Bautista

Kapatid ng bokalista at drummer ng Paramita na si Ria Bautista si Dr. Nicko Bautista.

12 of 44

Dr. Nicko Bautista

Kabilang si Dr. Nicko Bautista sa mga nasawi sa naaksidenteng eroplano na babiyahe sanang Japan para sa isang medical evacuation.

advertisement
13 of 44

Aicelle Santos

Nagtatrabaho bilang isang nurse sa UK ang kapatid na lalaki ni Aicelle Santos na si Aaron Santos.

14 of 44

Aaron Santos

Nitong December 2019 lamang bumiyaheng UK si Aaron Santos upang magtrabaho bilang nurse doon. Kabilang siya sa Pinoy frontliners sa UK

15 of 44

Marvin Agustin

Sa isang Twitter post, ikinuwento ni Marvin Agustin na isang medical frontliner ang kanyang kapatid sa Canada, kung saan nagtatrabaho ito bilang isang nurse.

advertisement
16 of 44

Cheng Agustin

Sa Twitter post, ibinahagi ni Marvin ang text conversation nilang magkapatid, kung saan naikuwento niya ang araw-araw na pagod at puyat para alagaan ang mga pasyente. Ani ng kanyang kapatid, “For the past two days, naiiyak ako tuwing bago pumasok.”

17 of 44

Benedict Cua

May kamag-anak na doktor ang 'Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday' actor and vlogger na si Benedict Cua.

18 of 44

Jerry Cua

Licensed doctor ang younger brother ni Benedict na si Jerry Cua.

advertisement
19 of 44

Tom Rodriguez

Sa chika ni Nelson Canlas sa '24 Oras,' ikinuwento ni Kapuso actor Tom Rodriguez ang kanyang pagkabahala para sa kanyang pamilya na nakatira sa Estados Unidos lalo na para sa isang kapatid niya na isang frontliner.

20 of 44

Healthcare worker

Sa nasabing ulat, isinaad ni Tom na isang healthcare worker ang kanyang kapatid sa Amerika kaya naman abala ang kanyang ina sa pag-aalaga ng mga anak nito. Saad niya, "I have a sister who's in the healthcare industry. So she has to work kasi essential siya. My mom is with her helping her take care of my nephew kasi 'di niya pwedeng mayakap."

21 of 44

Arny Ross

Proud si 'Bubble Gang' star Arny Ross sa kanyang kapatid na si Arby Jane Igualada, isang obstetrician-gynecologist sa Lucena City.

advertisement
22 of 44

Arby Jane Igualada and Vivaldi Igualada

Sa kuwento ni Arny Ross sa GMANetwork.com, isang OB-Gyn ang kanyang kapatid at ang asawa nito na si Vivaldi Igualada ay isang cardiologist kaya naman doble ang pag-aalala niya. Sambit ni Arny, “Ako nag-aalala ko bilang kapatid niya na parang hindi ba puwedeng sabihan mo na lang masama na pakiramdam mo kasi call of duty talaga e.”

23 of 44

Raphael Landicho

Nagtatrabaho bilang isang magiting na police frontliner ang ama ni Raphael Landicho.

24 of 44

Police Frontliner

Saludo si Raphael sa sakripisyo ng kaniyang ama upang mapanatili ang kaayusan habang umiral ang enhanced community quarantine at COVID-19.

advertisement
25 of 44

Baeby Baste

Isa ring police frontliner ang ama ni Baeby Baste na si Papa Sol. Dahil sa sakripisyo ni Papa Sol para sa bayan, isa siya sa mga frontliners na nagpositibo sa sakit na COVID-19.

26 of 44

Papa Sol 

Masaya namang ipinamalita ni Baste na gumaling at back-to-work na ang kaniyang Papa Sol. Tuloy-tuloy rin ang kanilang donations ng relief goods at medical supplies para sa mga police frontliners.

27 of 44

KC Concepcion

Ikinuwento ni KC sa kanyang Instagram account na mayroon siyang isang pinsan na medical frontline worker sa New York City. Dahil dito, na-inspire siya na tumulong sa iba't ibang frontline workers sa bansa para magsilbing munting pasasalamat sa lahat ng sakripisyong ginawa nila.

advertisement
28 of 44

JT

Ipinakilala ni KC sa Instagram ang kanyang pinsan na si JT. Isa siyang registered at working nurse sa New York City. Ito ang litratong ibinahagi ni KC sa kanyang instagram na ipinapakita si JT na suot-suot ang Personal Protective Equipment o PPEs habang naka-duty sa ospital.

29 of 44

Juancho Trivino

Isinaad ni Juancho Trivino sa kanyang Instagram at GMANetwork.com na isang medical frontliner ang kanyang pinsan sa isang ospital sa Paranaque City. 'Di man niya tinukoy ang pangalan ng pinsan, isinalaysay naman ni Juancho na isang medical technologist ito sa ospital.

30 of 44

Relieve PH

Naging inspirasyon ni Juancho Trivino ang kanyang pinsan at ilang kaibigan na nagtatrabaho sa ospital para ilunsad ang non-profit organization na Relieve PH. Sa kasalukuyan, ang organisasyon ay nagpapaabot ng ilang Personal Protective Equipments, face shields, at pagkain sa ilang piling ospital sa Maynila.

advertisement
31 of 44

Darren Espanto

Parehong registered nurses sa Canada ang magulang ni Darren Espanto na sina Lyndon at Marinel Espanto.

32 of 44

Lyndon at Marinel Espanto

Ikinuwento ni Darren sa isang video interview ng MYX na naninirahan siya ngayon sa Calgary, Canada kasama ang kanyang magulang na frontliners. Dahil dito, doble ingat daw ang kanilang pamilya sa pag-sanitize ng bawat gamit pagkatapos magtrabaho sa ospital.

33 of 44

Kim Rodriguez

Nagtatrabaho sa Japan bilang isang nurse ang ina ni Kim Rodriguez.

advertisement
34 of 44

Japan

Sa panayam ng GMANetwork.com, sinabi ni Kim na labis siyang nag-aalala para sa kanyang ina.

35 of 44

Gretchen Ho

May kapatid rin na frontliner ang volleyball player-turned-television host na si Gretchen Ho.

36 of 44

Dr. Justin Ho

Isang pediatrician si Dr. Justin Ho sa Philippine General Hospital kung saan infectious diseases ng mga bata ang kanyang specialization.

advertisement
37 of 44

Kathryn Bernardo

Nurse sa United Kingdom ang nakatatandang kapatid ng aktres na si Kathryn Bernardo.

38 of 44

United Kingdom

Ayon kay Kathryn, hindi biro ang pinagdadaanan ng nurses sa buong mundo.

39 of 44

Maris Racal

Frontliner din ang kapatid ni Maris Racal na nagtatrabaho bilang nurse.

advertisement
40 of 44

Safety cautions

May mga ginawang hakbang sina Maris at ang kanyang pamilya upang maiwasan ang COVID-19, lalong lalo na sa trabaho ng kanyang kapatid.

41 of 44

Rita Daniela

Proud si Rita Daniela sa kanyang kuya na si Roy Sotero na patuloy na naglilingkod bilang isang frontliner. Panandaliang binisita ng Kapuso star ang kanyang kapatid upang ipagdiwang ang kaarawan nito kahit nasa trabaho.

42 of 44

Roy Sotero

Nagtatrabho si Roy Sotero sa isang primyadong resort bilang bahagi ng security personnel nito.

advertisement
43 of 44

Vaness del Moral

Si Vaness del Moral ay may kapatid na nurse na nagtatrabaho ngayon sa Amerika.