Showbiz News

Gladys Reyes, happy sa muling pagbubukas ng restaurant business pagkatapos ng ECQ

By Cara Emmeline Garcia

Matapos ang ilang buwan ng pagsara at pagtanggap lamang ng deliveries, masayang ibinahagi ni Gladys Reyes ang pagbubukas ng kanyang restaurant sa publiko simula kahapon, June 28.

Isang selfie ang ibinahagi ng aktres sa kanyang Instagram habang suot-suot ang kanyang face mask at face shield sa loob ng restaurant.

Aniya, na-miss niya ang kanyang customers at ang pagkaing inihahanda para sa kanila.

Dagdag pa ni Gladys, “We are strictly observing social distancing and other protective measures for everyone's safety. No walk-ins for the meantime.”

Pinaghandaan nang mabuti ni Gladys at ang asawa niyang si Christopher Roxas ang pagbubukas ng Estela Restaurant sa Cainta, Rizal.

Noong June 13, ipinakita nila ang ilang safety protocols and measures para mapanatiling ligtas sa coronavirus ang kanilang staff at customers sa pamamagitan ng isang simulation preparation.

Isa ang Estela Restaurant sa ilang celebrity-owned businesses na pansamantalang nagsara dahil sa coronavirus pandemic at enhanced community quarantine.

Kabilang na diyan ang businesses nina Bea Binene, Jennylyn Mercado, Gladys Guevarra, at Asia's Multimedia Star Alden Richards.

LOOK: Gladys Reyes and Christopher Roxas introduce new 'baby'

Gladys Reyes clarifies 25 years of togetherness with Christopher Roxas