Showbiz News

Bea Binene, miss nang mag-aral

By Maine Aquino

Muling binalikan ni Bea Binene ang kanyang ginawang pag-aaral sa culinary school.

Ayon sa post ni Bea sa kanyang Instagram account, taong 2019 nang magsimula siya mag-aral ng culinary sa Center for Asian Culinary Studies.

Saad ng Kapuso actress sa mga oras na ito ay dapat nasa culinary school siya. Ngunit dahil sa COVID-19 crisis, hindi muna sila makapagtuloy ng pag-aaral.

"A year ago, I started studying culinary.. dapat ngayong mga oras na 'to, baka naka pag repertoire na or legacy buffet or nagrready na sa graduation yung class namin."

Inihayag rin ni Bea ang kanyang pagka-miss sa kanyang pag-aaral.

"Hay, I can't believe I'll say this, but I miss school. PS: happy anniv, Batch 40TTHS!"

Samantala, kamakailan lamang ay ipinadiwang ni Bea ang anibersaryo ng kaniyang coffee shop business bagamat pansamantala itong sarado dahil sa community quarantine.

'Tween Hearts Academy Class of 2012' cast, nag-reunion online!

Bea Binene joins Pride Month celebration