
Dahil isang buwan naka-lock in taping si Carmina Villarroel ay siniguro niyang handa siya pati na rin sa paglalaba.
Sa kanyang YouTube channel ay ipinakita ni Carmina ang kanyang nakakatuwang experience at first time na paggamit ng isang portable washing machine sa loob ng hotel room bathroom habang nasa lock-in taping. Ayon sa Sarap, 'Di Ba? host, natuwa siya rito dahil madali niya itong nadala sa kanilang location at makakatulong ito sa kanyang paglalaba.
YouTube: Carmina Villarroel-Legaspi
Saad ni Carmina, "Nafo-fold din ito. Nafo-fold kaya madali siyang i-pack."
Tinuruan si Carmina ng kanyang personal assistant na si Nestee kung paano ang tamang paglalaba. Kuwento pa ng aktres sa kanyang vlog ay natuwa siya sa kanyang ginawang laundry activity dahil madali lang pala ang paggamit ng portable washing machine.
Ipinakita rin ni Carmina na mayroon siyang dalang portable dryer na unang beses niya lang rin nagamit.
Panoorin ang nakakatuwang laundry experience ni Carmina sa kanyang hotel room.
Related content:
Carmina Villarroel gives a room tour of her lock-in taping accommodation
WATCH: Legaspi family, ibinahagi kung paano mag-quarantine Kris Kringle
LOOK: Carmina Villarroel at John Estrada, sumabak na sa lock-in taping ng 'Babawiin Ko Ang Lahat'