GMA Logo Claudine Barretto
What's Hot

Inang inabuso ng mga kamag-anak at niloko ng asawa, nakatanggap ng PhP100K savings mula sa 'Wish Ko Lang'

By Aimee Anoc
Published August 15, 2022 6:58 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Some tourists spend Holy Week in Boracay
Man who complained of small pay steals P157K from store; arrested
Daig Kayo Ng Lola Ko: Witchikels (Full Episodes Marathon) | Stream Together

Article Inside Page


Showbiz News

Claudine Barretto


Isang bagong simula ang hatid ng 'Wish Ko Lang' para kay Manda na nasira ang pamilya dahil sa mapang-abuso niyang mga kamag-anak.

Nasaksihan noong Sabado sa "Bisita" second anniversary episode ng Wish Ko Lang ang pang-aabusong naranasan ni Manda (Claudine Barretto) sa mga kamag-anak at ang panloloko sa kanya ng mister na si Willard (James Blanco).

Dahil nais na tumanaw ng utang na loob sa kanyang tiyahing si Rosita (Glenda Garcia), pumayag si Manda na manirahan muna ito pansamantala sa kanilang bahay kasama ang anak nitong si Rebecca (Faye Lorenzo).

Pero ang isang linggong paninirahan ay umabot ng ilang linggo. Naging mapang-abuso na rin ang mga ito kung saan maging ang kakainin ay inaasa na kay Manda. Sa kabila ng pagpapasensya ay nagawa pa siyang lokohin ng pinsang si Rebecca at nakipagrelasyon sa kanyang asawa.

Kaya naman para matulungang makapagsimulang muli kasama ang anak na si Hailey (Rhed Bustamante), naghanda ng regalo ang Wish Ko Lang at ang Fairy Godmother na si Vicky Morales.

Ngayong ika-20 taong anibersaryo ng Wish Ko Lang, ibinigay ng programa sa pamilya ni Manda ang pinakamalaking Wish Ko Lang savings nito na nagkakahalaga ng PhP100,000.

Mayroon ding negosyo packages na nagkakahalaga ng PhP50,000, brand new motor bike, at dining room showcase.

Para naman sa pag-aaral ni Hailey, may regalong educational assistance ang programa.

Abangan kung sinu-sino pa ang mabibigyan ng magandang bagong simula sa month-long anniversary celebration ng Wish Ko Lang.

Maaari ring mapanood ng mga Kapuso abroad ang Wish Ko Lang sa GMA Pinoy TV. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang www.gmapinoytv.com.

KILALANIN ANG SOCIAL MEDIA STARS NA NAPANOOD NA SA WISH KO LANG DITO: