
Excited na si Anne Curtis para sa bago at malaking tahanan ng It's Showtime, ngayong opisyal nang pumirma ng kontrata ang nasabing ABS-CBN noontime show sa GMA Network.
Ayon kay Anne, maaasahan ng Madlang Kapuso ang mga bagong ilalatag nila para sa show.
Photo by: GMA Network
"This moment is a new chapter. So for us, we'll be able to bring something new to the table in this new chapter all the time. Maaasahan ng Madlang Kapuso 'yan," sabi ni Anne, ayon sa report ng GMA Integrated News.
Umaapaw rin ang pasasalamat ni Anne sa tiwalang ibinigay ng Kapuso Network sa It's Showtime.
"Sobra-sobra kaming nagpapasalamat for taking us in. It means the world to us. I mean not only to us but of course to the solid Showtimers that we found a new home in you guys. I'm so excited reaching a whole new audience. So excited to see you guys on air on GMA-7."
Nang tanungin kung sinu-sino ang gusto niyang makatrabaho sa Kapuso Network, sagot ni Anne, "[Marian Rivera and Dingdong Dantes], of course, Heart [Evangelista], Bea [Alonzo]. I'm excited to be reunited with Bea."
Kung mabibigyan ng pagkakataon ay excited din si Anne na muling makatrabaho si Gabbi Garcia, maging si Jennylyn Mercado.
Mapapanood ang It's Showtime sa GMA simula April 6, Lunes hanggang Sabado, 12:00 p.m.
Samantala, halo-halong emosyon ang naramdaman ng netizens sa naganap na contract signing na ito ng ABS-CBN at GMA Network para sa It's Showtime. Basahin sa gallery na ito: