
Isang malaking project ang gagawin ng Sparkle Sweethearts na sina Zonia Mejia at Jamir Zabarte, kung saan makakasama nila ang Kapuso primetime couple na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera.
Sa Instagram post ng Sparkle GMA Artist Center, kitang-kita ang saya ng binansagan na JaNia nang ma-meet ang DongYan sa idinaos na photoshoot for the big sitcom na Jose and Maria's Bonggang Villa.
Milestone ang project na ito para sa Dantes couple, dahil bukod sa lead stars sila ng show, magiging co-producers sila kasama ang GMA-7 at APT Entertainment.
Sa panayam ng GMANetwork.com kina Zonia at Jamir, nagkuwento sila ng kanilang experience nang personal silang ipakilala ng staff ng Kapuso sitcom sa DongYan.
Kuwento ng Sparkle artist, “Actually, I first met them po nung nag-story con kami, naka-attend po ako ng story con very quick lang and hindi rin po kami sobra nakapag-usap nina miss Marian [Rivera] and ni sir Dingdong [Dantes], kasi nag-story con and nag-look test din kami after.
“Kahapon po [April 25] nagkita po kami, sobrang bait po nilang dalawa and they are very approachable. Hindi po sila mahirap lapitan, kasi siyempre grabe, miss Marian and sir Dingdong na po sila and kami, nagsisimula pa lang din po kami gumawa ng pangalan namin sa industry.”
Umamin din si Zonia na na-starstruck siya nang makita ang Kapuso Primetime King and Queen.
Aniya, “They are very welcoming and they are very happy to see us. And we are very happy din po talaga na makita din po sila and kinikilig kami dalawa ni Jamir [Zabarte] na parang na-speechless na lang kami na hindi namin alam kung ano sasabihin, kasi ang ganda po tsaka 'di ba, ang guwapo!”
Ganito rin ang pakiramdam ni Jamir na sinabing idol niya ang showbiz power couple.
“Sinabi ng prod na gusto kami ma-meet ni sir Dingdong and miss Marian since first time kami magkaka work together. Then bigla kong nakita si miss Marian, na-starstruck ako and honestly may konting kilig kasi hinahangaan ko siya mula nung Marimar days pa lang.
“Then next namin nakita si sir Dingdong, na-starstruck din ako kasi idol ko siya mula teenager pa lang siya napapanood ko na mga pelikula niya.”
Dagdag ng Kapuso heartthrob na hindi na siya makahintay na maka-trabaho na nila ang dalawa sa taping at lalo pang mas kilala.
Saad ng commercial model and actor, “Masaya sa feeling na nasa moment ako ng buhay ko na makakatrabaho ko na 'yung matagal kong idol. Especially Zonia, kasi tulad ko hinahangaan niya ang DongYan. Heartful Cafe days pa lang po nakukwento niya na sakin na gusto niya na talaga sila makatrabaho.
“And hoping kami ni Zonia mas lalo namin silang makilala and maka-close pag nag start na ang taping.”
Silipin ang sweetest photos nina Jamir at Zonia sa gallery below.