What's Hot

Jamir Zabarte may sweet surprise kay Zonia Mejia para sa GMA Thanksgiving Gala

By Jimboy Napoles
Published July 28, 2022 6:51 PM PHT
Updated July 28, 2022 7:09 PM PHT

Around GMA

Around GMA

SMC to waive toll fees for Christmas, New Year
P7M suspected shabu seized; 4 nabbed in NorthMin drug busts
Marian Rivera meets Hirono creator Lang and gets an autographed illustration

Article Inside Page


Showbiz News

Jamir Zabarte, Zonia Mejia


Sina Marian Rivera at Dingdong Dantes ang isa sa mga kinausap ni Jamir Zabarte para magawa ang sweet surprise niya kay Zonia Mejia. Alamin ang buong detalye, DITO:

Isang sweet surprise ang isinagawa ng Sparkle actor na si Jamir Zabarte para sa kanyang on screen partner na si Zonia Mejia kung saan pormal niyang inaya ito upang kanyang maging date sa nalalapit na GMA Thanksgiving Gala.

Kinausap ni Jamir ang kanilang Sparkle handlers at maging ang kanilang Jose and Maria's Bonggang Villa co-stars na sina Marian Rivera, Dingdong Dantes, Benjie Paras at Pekto upang maisagawa niya ang kanyang sorpresa kay Zonia.

Ang buong akala ni Zonia ay isang pictorial ang kanilang pupuntahan ni Jamir, ngunit ang hindi niya alam ay may naka-set up pala ang ka-love team na surprise proposal para sa kanya.

"Willy you be my date sa gala?," tanong ni Jamir.

Hindi naman nabigo ang aktor na makuha ang matamis na "oo" ni Zonia na maging date niya sa gala.

"Of course, yes," sagot ni Zonia.

Kuwento pa ni Jamir sa "Chika Minute" report ni Aubrey Carampel sa 24 Oras, "Ito yung paraan para maipakita ko rin sa kanya na ayun, 'I care for you, na nag-effort ako para gawin sa'yo 'to, para ma-surprise ka.'"

Nagustuhan naman ni Zonia ang ginawang pagsorpresa sa kanya ni Jamir kahit pa napagusapan na rin nila na sabay silang dadalo sa gala.

Aniya, "Na-surprise ako, in fairness ha. Kasi alam nga ni Jamir na hindi ako sanay na sinosorpresa ako kasi simple lang naman ako and happy naman ako sa every moment na magkasama kami ni Jamir."

Samantala, ang GMA Thanksgiving Gala na gaganapin sa July 30 sa ShangriLa The Fort ay magsisilbi ring fundraising event na bahagi ng selebrasyon ng ika-72 taong anibersaryo ng GMA Network.

Mapapanood ang nasabing gala sa TikTok at sa live streaming ng GMA Network at Sparkle social media accounts.

SILIPIN NAMAN ANG SWEET PHOTOS NINA JAMIR AT ZONIA SA GALLERY NA ITO: