
Isang bagong nakakakilig na soundtrack ang inilabas ng hit youth oriented show na MAKA, ang "Am I In Love," na inawit mismo ng cast member na si Josh Ford.
Bukod sa nakaka-in love na lyrics, dumagdag sa kilig ang sweet na sweet na pag-awit ni Josh sa kanta.
Isa si Josh sa mga bagong cast members para sa ikalawang season ng MAKA, kasama sina Elijah Alejo, Shan Vesagas, Bryce Eusebio, Cheovy Walter, at MJ Encabo. Sa MAKA Season 2, nagpapakilig si Josh bilang Josh Taylor, isa sa love team ni Zephanie.
Samantala, bukod sa MAKA, napapanood ngayon si Josh Ford bilang housemate sa Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition.
MAS KILALANIN SI JOSH FORD SA GALLERY NA ITO: