What's Hot

Kelvin Miranda at Mikee Quintos, magpapakilig sa 'Wish Ko Lang!'

By Dianara Alegre
Published March 5, 2021 1:14 PM PHT

Around GMA

Around GMA

City nabs suspects in anti-mendicancy poster vandalism
Angelina Jolie, ipinakita ang pilat mula sa kaniyang operasyon sa dibdib na mastectomy noong 2013
MPTC waives toll fees on its expressways on Christmas Eve, New Year's Eve

Article Inside Page


Showbiz News

Kelvin Miranda at Mikee Quintos


Gaganap na star-crossed lovers sina Kelvin Miranda at Mikee Quintos sa bagong episode ng 'Wish Ko Lang' ngayong Sabado.

Mula sa pagiging mga bida ng GMA Public Affairs' show na The Lost Recipe, tampok naman sina Kapuso stars Kelvin Miranda at Mikee Quintos sa bagong episode ng real-life drama anthology na Wish Ko Lang ngayong Sabado, March 6.

Siguradong bagong treat ito para sa fans ng MiKel dahil gaganap sila bilang star-crossed lovers, na mala-Romeo and Juliet ang istorya, sa naturang episode.

Kelvin Miranda at Mikee Quintos

Source: iamkelvinmiranda (Instagram), mikee (Instagram)

“Pagmamahalan ng dalawang tao na hadlang ang kanilang parehas na magulang. Pero dahil sa pagmamahal at sa kagustuhan, handa silang ipaglaban ito. Kaya lang may nangyaring isang trahedya na hindi inaasahan,” paglalarawan ni Kelvin nang makapanayam ng 24 Oras.

Saad naman ni Mikee, “The story is about star-crossed lovers, mala-Romeo and Juliet mismo.”

Samantala, dahil ilang araw na rin mula nang natapos ang lock-in taping ng The Lost Recipe, sinabi nina Mikee at Kelvin na masaya silang nagtambal muli sa Wish Ko Lang dahil nami-miss na raw nila ang isa't isa.

“Ang nami-miss ko 'yung bonding namin off-cam. Kasi kapag on-cam na medyo seryoso po 'yung role ko medyo hindi nakakahalubilo sa kanila,” ani Kelvin.

Dagdag pa ni Mikee, “Lalo na 'yung galing kayo sa araw-araw kayong magkasama isang buong buwan. May feeling na parang may mali parang may kulang,”

Mikee Quintos at Kelvin Miranda

Source: mikee (Instagram)

Bukod dito, dapat ding abangan ngayong Sabado ang kuwento ng buhay ng komedyanteng si Petite sa bagong episode ng #MPK o Magpakailanman.

Si Kapuso actor Kevin Santos ang gaganap bilang si Petite habang ang beteranang aktres namang si Snooky Serna ang gaganap sa role ng live-in partner nitong si Jessica.

Petite

Source: petitebrokovich (Instagram)

“I play the role of Jessica. Ako po 'yung naging live-in partner po ni Petite na na in love po sa kanya,” ani Snooky.

Ayon kay Kevin, bukod sa kwelang hatid ng istorya, “sobrang heavy” rin daw ang mga eksena rito

“Sobrang funny po nung story, sobrang heavy nung story. Iba 'yung story ni Petite dito. Kumbaga parang sobrang piniga ako ni direk dito. Sobrang nagulat ako dun sa twist ng story,” aniya.

Kevin Santos at Snooky Serna

Source: snookyserna4466 (Instagram)

Kung nagulat man si Kevin sa twist ng buhay ni Petite, rebelasyon din pala para sa kanya ang inamin ng komedyante sa kanya.

“Nagka-crush ako sa kanya tapos hindi ko alam siya pala ang gaganap sa akin. Gwapung-guwapo ako sa kanya promise,” anang komedyante.

Abangan ang kanilang pagganap sa Magpakailanman ngayong Sabado, March 6.

Panoorin ang buong 24 Oras report DITO.