GMA Logo Ken Chan
What's Hot

Ken Chan's latest project aims to raise awareness about DID

By Dianara Alegre
Published December 14, 2020 1:28 PM PHT

Around GMA

Around GMA

OFW recalls experience saving child and old woman from HK residential fire
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Ken Chan


Ken Chan's newest role on 'Ang Dalawang Ikaw' will tackle Dissociative Identity Disorder (DID).

Tampok ang tambalang Ken Chan at Rita Daniela sa upcoming Kapuso drama na Ang Dalawang Ikaw na tatalakay sa sensitibong topic ng mental health.

Gagampanan ni Ken ang role ng isang may dissociative identity disorder (DID) -- isang mental illness kung saan nagkakaroon ng multiple personalities ang isang tao.

Ken Chan at Rita Daniela

Source: missritadaniela (IG)

Ayon sa aktor, layunin ng programa na bigyan ng impormasyon ang publiko tungkol sa mga pinagdadaanan ng mga taong may ganitong sakit.

“Ang goal ng dalawang ikaw ay para turuan namin at mabigyan ng idea 'yung mga tao kung paano ba tumatakbo 'yung buhay ng mga [mayroong] DID,” ani Ken nang makapanayam ng 24 Oras.

Challenging at mature naman ang role ni Rita rito bilang si Mia, asawa ni Nelson/Tyler (Ken Chan). Dahil sa split personality ng kanyang mister ay magkakaroon siya ng kaagaw sa puso nito.

“Si Mia ay silent fighter. Du'n talaga pinagkaiba sa lahat. Para sa akin 'yun ang kinagandahan ng character ni Mia kasi hindi mo agad siya mababasa, e. Magugulat ka na lang kung nasaang emosyon na ba siya, ano na bang ipapakita niya sa 'yo,” ani Rita.

May pagka-action din ang Ang Dalawang Ikaw at bilang paghahanda, sumailalim sina Ken at Rita sa iba't ibang training. Si Ken naman ay kumuha pa ng firearm training.

“...'Yung alter ni Nelson ay si Tyler na mahilig sa baril. So, sabi ko kailangan ko matutunan 'yung tamang paghawak sa baril kasi baka mamaya sa taping or shooting ay maka-disgrasya ako o makaaksidente,” anang aktor.

Dagdag pa niya, “Hindi ko akalain na magugustuhan ko siya. Nag-e-enjoy ako at ang dami kong natutunan: disiplina, focus.”

Tampok din sa serye si Anna Vicente bilang si Beatrice, ang fiancee ni Tyler. Kasama rin sa cast sina Dominic Roco, Jake Vargas, Joana Marie Tan at Jeremy Sabido.

Unang nagtambal sina Ken at Rita, collectively known as RitKen, sa top-rating drama series na My Special Tatay noong 2018. Sinundan ito ng romantic-comedy series na One of the Baes noong 2019.

Samantala, na-miss n'yo ba ang RitKen bilang BoBrey? Balikan 'yan dito sa gallery na ito: