GMA Logo kristoffer martin on mpk
What's on TV

Kristoffer Martin, bilanggong mai-in love sa ka-video call sa '#MPK'

By Marah Ruiz
Published June 4, 2021 10:58 AM PHT
Updated June 4, 2021 1:25 PM PHT

Around GMA

Around GMA

3 minors stranded while hiking in Bontoc rescued —PNP
Elderly woman loses more than P50K in e-wallet modus
Indonesian rising star Arash Buana to play first-ever international shows in Manila

Article Inside Page


Showbiz News

kristoffer martin on mpk


Makakasama ni Kristoffer Martin sa brand new episode ng '#MPK' ang bagong Kapuso actress na si Elle Villanueva.

Maghahatid ng isa na namang natatanging pagganap si Kapuso actor Kristoffer Martin sa isang brand new episode ng real life drama anthology na #MPK o Magpakailanman.

Sa episode na pinamagatang "Prisoners of Love," gaganap siya bilang Michael, isang lalaking mapapariwara at makukulong.

"Iniwan siya ng parents niya. Iniwan siya ng American dad niya. Ang nagpalaki sa kanya ay tita niya, so napariwara 'yung buhay niya.

"Kung anu-anong mga pinaggagagawa niya para lang mabuhay siya. Ayun, nakulong siya," pahayag ni Kristoffer sa Kapuso Brigade Zoomustahan noong June 3.

Bilanggo man, puno pa rin daw ng pag-asa ang kanyang karakter.

"'Yung character niya laging may hope eh. Umaasa pa rin siya na may makakakita ng mabuting loob niya, 'yung good side niya. Gusto ko yung character niya kasi full of hope talaga," kuwento ni Kristoffer.

Lalong madadagdagan ang inspirasyon ni Michael sa katauhan ni Evelyn, na gagampanan ng bagong Kapuso actress na si Elle Villanueva sa kanyang first lead role.

Prisoners of Love on MPK

Isang overseas Filipino o OFW sa Hong Kong si Evelyn.

Tulad ni Michael, tila isa rin siyang bilanggo dahil sa mapagmalupit niyang employer.

"Parehas silang umaasa na magkaroon ng magandang buhay, parehas silang nakakulong kung nasaan man sila.

"There's always this one thing na talagang gagawin mo lahat para maging okay ka," paliwanag ng aktor.

Magkalayo man, uusbong ang pag-ibig sa pagitan nila.

"Abangan niyo kasi halos hindi nga kami nagka-eksena ni Elle. Mostly video call talaga 'yung eksena so parang long distance relationship talaga siya," lahad ni Kristoffer.

Para kay Kristoffer, may mahalagang mensahe na puno ng pag-asa ang episode.

"Huwag ka lang mawawalan ng pag-asa sa buhay. Lahat naman puwedeng magbago, lahat willing magbago.

"Lahat naman ng tao, nakikita nila kung saan sila nagkakamali and doon sila magbabago," aniya.

Dagdag pa niya, "Kailangan mo rin ng tao. Ang hirap din talaga mag-isa. Laging may isang taong maniniwala sayo. Laging may isang tao na makikita 'yung kabutihan sa iyo."

Huwag palamapsin ang kuwento ng pag-ibig at pag-asa sa brand new episode na "Prisoners of Love" ngayong Sabado, June 5, 8:00 pm sa #MPK.

Tingnan ang ilang eksenang mapapanood sa #MPK dito: