GMA Logo pokwang and malia o brian
Celebrity Life

Kulitan nina Pokwang at Malia kinagiliwan sa Instagram

By Aimee Anoc
Published July 13, 2021 4:13 PM PHT

Around GMA

Around GMA

St. Luke's inhaler clinic opens to improve asthma, COPD patient care
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

pokwang and malia o brian


"Walang taping si Mamang today kaya laro kami ni tisay," sabi ni Pokwang sa larawan niya habang nakikipaglaro three-year-old niyang anak na si Malia.

Todo ang kulitan ng mag-inang Pokwang at Malia O'Brian sa video na ibinahagi ng komedyante sa Instagram.

Go na go sa pagtalon at pakikipagkuwentuhan sa kanyang ina si Malia habang kumakain ng mansanas sa kuwarto nila.

Makikitang nakasuot ng fairy wings sina Malia at Pokwang habang naglalaro.

Pagbabahagi pa ni Pokwang na kapag wala raw siyang taping ay nakikipaglaro siya sa kanyang anak.

"Walang taping si Mamang today kaya laro kami ni tisay [Malia] hahaha kakapagod mga laro ha..." sabi ni Pokwang.

Nang tanungin ni Pokwang kung anong kulay ang suot ng anak, agad ni Malia, "green fairy."

"Green fairy eating green apple," dagdag pa ni Pokwang habang patuloy sa pagkagat ng mansanas si Malia.

A post shared by Mayette (@itspokwang27)

Kinagiliwan naman ng followers ni Pokwang ang video na ito nila ni Malia. Ani pa ni @myecpastrana, "Makahabol ka kaya sa energy ni tisay mamang!"

"Hats off to Supermoms like you Mamang na despite busy schedules you always find quality time with your children and your family," pagsuporta ni @mzshie.

"Mas hyper pa si mamang kaysa kay tisay. Hehe sana ganyan din energy ko makipaglaro sa mga bata," sabi naman ni @lynlhutz88.

Anak ni Pokwang si Malia kay Hollywood actor Lee O'Brian.

Mayroon ding sariling Instagram ang three-year-old niyang anak, kung saan makikita rin ang pagkabibo at masiyahin nito.

Samantala, abangan si Pokwang sa Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento, kung saan ay gaganap siyang kapitbahay ng mga batang sina Pepito at Patrick, na gagampanan nina Sef Cadayona at Kokoy De Santos.

Ilan pa sa mga artistang makakasama ni Pokwang ay sina Mikee Quintos bilang ang batang Elsa, Angel Guardian, at Gladys Reyes.

Mapapanood na ang pilot episode ng Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento ngayong Sabado, July 17, sa GMA pagkatapos ng 24 Oras.

Samantala, balikan ang ilan sa milestones ng Pepito Manaloto sa loob ng nagdaang dekada sa