GMA Logo Yvette sanchez and ysabel ortega
What's Hot

Kuwento ng dalagitang lumuluha ng dugo, tampok sa bagong 'Wish Ko Lang'

By Racquel Quieta
Published November 12, 2020 4:03 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Manila City illuminates its Christmas tree and celebrates with a concert
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Yvette sanchez and ysabel ortega


Stars ng 'Lumuluha ng Dugo' episode na sina Ysabel Ortega, Sandy Andolong at Psalms David ipinaliwanag kung bakit naniniwala sila sa himala.

Isang kuwento ng misteryo ang dapat abangan sa 'Lumuluha ng Dugo' episode ng bagong 'Wish Ko Lang' ngayong Sabado.

Si Ysabel Ortega bilang Nicole

Si Ysabel Ortega bilang Nicole / Source: Wish Ko Lang

Tungkol ito sa isang dalagita sa Cavite na nagngangalang Nicole na 'di umano'y lumuluha ng dugo tuwing alas-tres ng hapon.

Marami sa kaniyang mga kapitbahay ang naniniwala na isa itong himala at umaasa na mapapagaling ni Nicole ang kanilang karamdaman.

Ngunit ayon naman sa kapitbahay nilang albularyo na si Linda, hindi raw ito himala. Si Nicole raw ay isang kampon ng demonyo dahil nagsimula itong lumuha ng dugo matapos makakita ng black lady.

Yvette sanchez at ysabel ortega

Ang black lady at si Nicole / Source: Wish Ko Lang

Ang Kapuso star na si Ysabel Ortega ang gaganap bilang si Nicole, habang ang aktres na si Chanel Latorre naman ang gaganap bilang si Linda.

Kasama rin sa 'Lumuluha ng Dugo' episode ang premyadong aktres na si Sandy Andolong, na gaganap bilang nanay ni Nicole na si Christina.

ysabel ortega and sandy andolong

Sina Ysabel Ortega at Sandy Andolong sa 'Lumuluha ng Dugo' episode / Source: Wish Ko Lang

Ang dating 'The Clash' finalist na si Psalms David ang gaganap bilang anak ni Linda na si Bryan at ang young Kapuso actress naman na si Yvette Sanchez ang gaganap bilang ang misteryosong black lady.

psalms david

Si Psalms David bilang Bryan / Source: Wish Ko Lang

Naniniwala raw ang stars ng 'Lumuluha ng Dugo' episode na sina Ysabel Ortega, Sandy Andolong at Psalms David sa himala.

Sabi ni Ysabel, “Personally, very religious po ako and believe that miracles will be given by God to someone He knows deserves it.”

Ayon naman kay Psalms, “Kasi may mga bagay na hindi kayang ipaliwanag ng tao na nangyayari sa realidad, mga bagay na hindi basta nasasagot ng limitadong kaisipan ng mga tao.”

Para naman kay Sandy, itinuturing niyang himala ang paggaling ng kaniyang anak na si Miguel mula sa testicular cancer.

At kung may himala man siya na gustong mangyari sa ngayon, 'yon ay siyempre ang matapos na ang COVID-19 pandemic.

“(Sana) basta na lamang mawala na ang COVID o ang pandemyang ito na 'di na kailangan pa ng vaccine. Na sa ating pagtulog isang araw, paggising ng lahat basta na lamang mawala ang virus na ito.”

Ganito rin ang himalang hiling nina Ysabel at Psalms na mangyari, na matapos na ang pandemya.

Sabi ni Psalms, “Hopefully matapos na po itong pandemya na kinakaharap natin, nawa malagpasan po natin 'to. Makahanap na po (sana) ng lunas sa sakit na kumakalat ngayon at bumalik na po sa dati ang lahat.”

Saad naman ni Ysabel, “Ang himala na wish ko mangyari ay matapos na and pandemic na 'to bukas! (laughs)

“Grabe ang pinagdadaanan ng mundo ngayon, ang daming naudlot, ang daming nawalan ng trabaho at ang dami ding nagkakasakit and ang dami ding nagkakaroon ng mental health issues.

“I wish na mawala na ang pandemic para mag-resume na ulit ang normal na buhay natin, sana back to the old normal na ulit tayo.”

Alamin kung himala nga ba o sumpa ang pagluha ng dugo ng dalagang si Nicole sa 'Lumuluha ng Dugo' episode ng bagong Wish Ko Lang, ngayong Sabado, alas-4 ng hapon sa GMA-7.

RELATED CONTENT:

Vicky Morales grateful for warm reception to all-new 'Wish Ko Lang' episodes

'Napagkamalang Aswang' episode ng bagong 'Wish Ko Lang,' may 8.8M views na sa FB!