
Kapwa social media influencers ang mga karakter nina Kylie Padilla at Andrea Torres sa BetCin.
Sa inilabas na teaser noong September 18, mapapanood ang tunay na relasyon nina Kylie at Andrea bilang sikat na social media influencers.
a 35-second clip, makikita kung paano hinikayat ni Andrea si Kylie na sumali sa isang online contest na naghahanap ng "influential couple" kung saan may pag-asa silang manalo ng sampung milyon, bahay at lupa.
Mapapansin din sa kalagitnaan ang pag-aaway nina Kylie at Andrea kung saan sinabi ng huli, "Is this real or are we acting? Umaarte lang ba tayo?"
Gagampanan ni Kylie sa BetCin ang karakter ni Beth at si Cindy naman si Andrea.
Ibinahagi rin ni Kylie sa Instagram ang larawan nila ni Andrea habang hinahalikan ito sa noo na kuha sa nasabing teaser.
Unang inilabas noong August 6 ang trailer ng bago nilang proyekto kung saan makikitang nakasuot pangkasal sina Kylie at Andrea.
Samantala, mapapanood si Kylie sa GMA Afternoon Prime na The Good Daughter, habang si Andrea naman sa GMA Telebabad na Legal Wives.
Tignan sa gallery na ito ang sweet moments nina Kylie Padilla at Andrea Torres: