GMA Logo Kylie Padilla at Luis Hontiveros
What's on TV

Kylie Padilla at Luis Hontiveros, may nakakakilig na BTS video

By Marah Ruiz
Published July 21, 2026 7:17 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Sara Duterte impeachment trial Day 8: Matibag stands by 'threat' testimony, VP in The Hague
Suspect in bank personnel robbery nabbed in MisOr raid
Sam Bernardo encourages Filipinos to invest in oral health

Article Inside Page


Showbiz News

Kylie Padilla at Luis Hontiveros


Nakakakilig ang video nina Kylie Padilla at Luis Hontiveros mula sa 'Taskforce Firewall.'

Gumaganap bilang mag-asawa ang Kapuso stars na sina Kylie Padilla at Luis Hontiveros sa tech-driven action-drama series na Taskforce Firewall.

Si Kylie ay ang hepe ng cybercrime division na si Isa, habang si Luis naman ang asawa niyang si Martin na agent ng major crimes division.

Sa isang maikling behind-the-scenes video na ibinahagi nina Kylie at Luis, makikita ang tila isang sweet moment sa pagitan ng kanilang mga karakter.

Lalapit si Martin kay Isa na pormang hahalikan ito. Aayusin naman ni Isa ang cap ni Martin para mas magkalapit ang mga mukha nila.

Sinubukan pa nila ang isa pang version ng eksena kung saan si Martin naman ang mag-aayos ng sarili niyang cap habang hinahatak siya palapit ni Isa.

A post shared by kylie padilla ☽◯☾ (@kylienicolepadilla)



Sa kasalukuyang takbo ng kuwento, nabunyag na ang affair ni Martin sa subordinate ni Isa na si Leila (Cheska Fausto).

Sinusubukan ni Martin na makipag-ayos sa asawa.

May chance pa ba silang isalba ang kanilang marriage?

Image Source: gmadrama (Instagram)



Patuloy na panoorin Taskforce Firewall, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Prime. Naka-simulcast ito sa GMA-7, Heart of Asia, at I Heart Movies.

May second telecast din ito sa GTV tuwing 10:30 p.m. at mapapanood din GMA Play.

I-download ang GMA Play sa Apple App Store at Google Play. Available din ito sa GMANetwork.com/GMAPlay at sa mga Android TV.