
Ngayong gabi na, May 25, mapapanood ang bagong tech-driven action-drama series na Taskforce Firewall.
Iikot ang serye sa isang grupo ng law enforcement agents na lalaban sa katiwalian ng mga taong gumagamit ng internet at technology sa masamang paraan.
Isa sa most-awaited scenes ng programa ang rappelling stunt ng lead stars nitong sina Kylie Padilla at Miguel Tanfelix.
Aminado ang dalawa na nakaramdam sila ng matinding kaba mula rehearsal ng eksena, hanggang sa shooting nito.
"Hindi ako magkukunwari, nakakatakot siya the first time we did it," pahayag ni Kylie.
Ayon kay Miguel, sa isa't isa sila humugot ng tapang para gawin ang stunt.
"Ayun 'yung pinaka nakakatakot, 'yung magli-lean back ka sa 17th floor ng GMA. Pero after naming mag-ganoon ganoon (lumundag pababa), after a few moments, parang nag-e-enjoy na rin ako. Parang pinapalakas namin 'yung loob ng isa'st isa," paliwanag ng aktor.
Sang-ayon naman dito si Kylie na grateful na napanood muna niya si Miguel na nag-rappel.
"Kahapon, takot na takot ako talaga, noong unang higa. Pero nauna siya so noong nakita kong ginagawa niya, sabi ko, okay kaya niya, gagawin ko na rin. It's nice. Gusto ko 'yun, 'yung teamwork namin na were there for each other. It's nice to do it with someone kasi kung mag isa ka, I don't know," bahagi niya.
"Mas nakakatakot 'yun. Ito 'yung mga ginagawa natin para pagandahin 'yung Firewall. Buwis-buhay talaga siya," dagdag ni Miguel.
Panoorin ang behind-the-scenes look sa rappelling stunt nina Kylie Padilla at Miguel Tanfelix dito.
Abangan sila sa Taskforce Firewall, simula May 25, 8:50 p.m. sa GMA Prime! May second telecast ito sa GTV tuwing 10:30 p.m. at mapapanood din sa GMA Play.
I-download ang GMA Play sa Apple App Store at Google Play. Available din ito sa GMANetwork.com/GMAPlay at sa mga Android TV.
SILIPIN ANG MEDIA CONFERENCE NG TASKFORCE FIREWALL DITO: