
Bida na, writer pa si Kapuso actress Kylie Padilla sa tech-driven action-drama series na Taskforce Firewall.
Nabigyan siya ng pambihirang pagkakataon na i-co-write ang pinakaabangang confrontation sa pagitan ng karakter niyang si Isa at ng karakter ni Cheska Fausto na si Leila.
Matatandaang may affair si Leila sa asawa ni Isa na si Martin na ginagampanan naman ni Kapuso actor Luis Hontiveros.
Umere ang eksenang isinulat ni Kylie noong July 15 bilang bahagi ng ika-38 episode ng Taskforce Firewall.
Mapapanood dito ang paghahanap ni Isa ng mga sagot mula kay Leila at mauwi ito sa pisikal na away.
Dahil nangyari ang confrontation sa gitna ng isang misyon ng team, naririnig ang usapan nila sa headquarters kung saan naroon din si Martin.
Kasalukuyang may 7.3 million views in less than 24 hours simula noong ma-post sa Facebook ang video clip ng eksena.
Bukod sa pagiging mahusay na aktres, pangarap ni Kylie ang maging isang writer at director.
May kaunting experience siya sa pagsusulat ng script lalo na at bahagi siya ng batch 30 ng taunang free writing workshop ni National Artist for Film and Broadcast Arts Ricky Lee.
Ayon din kay series director Rico Gutierrez, may usapan sila ni Kylie na bibigyan niya ito ng pagkaktaaon na mag-direct ng eksena tulad ng oportunidad na ibinigay nito sa co-star na si Miguel Tanfelix.
Patuloy na panoorin Taskforce Firewall, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Prime. Naka-simulcast ito sa GMA-7, Heart of Asia, at I Heart Movies.
May second telecast din ito sa GTV tuwing 10:30 p.m. at mapapanood din GMA Play.
I-download ang GMA Play sa Apple App Store at Google Play. Available rin ito sa GMANetwork.com/GMAPlay at sa mga Android TV.