
Kapwa naging emosyonal sina Kylie Padilla at Andrea Torres sa mensahe nila para sa isa't isa.
Sa Instagram, ibinahagi ni Kylie ang mensahe sa kanya ni Andrea. Sinabi rin nito kung gaano siya kasaya na makatrabaho ang huli bilang kanyang unang leading lady.
"Love you always! Here for you always. Kahit na tapos na ang 'BetCin,'" mensahe ni Andrea para kay Kylie.
Agad naman itong sinagot ni Kylie, "Love you! Thank you Ada, naiiyak akoooo bakit mo ako pinapaiyak! Salamat talaga for this. It means everything."
Ayon kay Kylie, marami siyang natutunan mula kay Andrea nang makatrabaho niya ito. Hiling din ni Kylie na mabigyan sila ng panibagong pagkakataon na makatrabaho ang isa't isa.
Photo by: @_anlie2021
"I learned so much from this woman. I'm happy you were my first leading lady. Cheers to more projects with you! Another strong beautiful lady I'm blessed to have worked with," caption ni Kylie.
Komento ni Andrea, "Huhu! Ako rin pinapaiyak mo rito! That instant chemistry means something talaga! Hehehe! You're precious. 'Di ako magsasawang sabihin sa 'yong I love you, I'm always here for you, I miss you and I'm proud of you! Beautiful soul!"
Mapapanood na sa October 15 ang BetCin kung saan gaganap bilang lesbian couple sina Kylie at Andrea. Gagampanan dito ni Kylie ang karakter ni Beth at bibigyang buhay naman ni Andrea ang karakter niyang si Cindy.
Samantala, mapapanood si Kylie sa GMA Afternoon Prime na The Good Daughter, habang si Andrea naman sa GMA Telebabad na Legal Wives.
Tingnan sa gallery na ito ang sweet moments nina Kylie Padilla at Andrea Torres: