GMA Logo Kyline Alcantara and Mavy Legaspi
What's Hot

Kyline Alcantara, pagiging marespeto ang isa sa mga katangiang hinahangaan kay Mavy Legaspi

By Aimee Anoc
Published April 6, 2022 5:38 PM PHT

Around GMA

Around GMA

DSWD: Over P8.4M in relief aid given to Albay LGUs affected by Mayon Volcano unrest
Tagbilaran and Toledo are big winners in #Sinulog2026 Grand Parade
Farm to Table: (January 18, 2026) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

Kyline Alcantara and Mavy Legaspi


"Ever since namang friends pa lang kami, kitang-kita mo na talaga iyong respeto niya sa mga magulang ko." - Kyline Alcantara

Isa sa mga pag-uugaling nagustuhan ni Kyline Alcantara sa rumored boyfriend nito na si Mavy Legaspi ay ang pagiging marespeto nito hindi lang sa kanya kundi maging sa kanyang pamilya at malalapit na kaibigan.

Sa isang press interview, ikinuwento ni Kyline ang sorpresang natanggap ng mom niya mula kay Mavy.

Aniya, bukod sa sorpresang bouquet na inihanda ni Mavy para sa kanya noong Valentine's Day ay binigyan din ng aktor ng mga bulaklak ang kanyang ina.

"It's a big gesture for my mom," pagbabahagi ng aktres.

Kyline Alcantara

Ayon kay Kyline, sobrang na-a-appreciate niya ang katangiang ito ni Mavy na nagpaparamdam na espesyal din ang kanyang pamilya.

"Kasi hindi lang naman po siya nag-start nung nagkaroon kami ng love team. Kumbaga it's not for publicity. Lahat talaga iyon ever since off-cam ganoon na talaga siya. Tapos naging mas ma-effort lang siya ngayon kaysa rati.

"Pero ever since namang friends pa lang kami, kitang-kita mo na talaga iyong respeto niya sa mga magulang ko. And kaya rin naman siya nire-respect ng parents ko kasi siya mismo ipinapakita niya iyon, not just with my parents, pati na rin sa mga kapatid ko and sa close friends ko. Iyon talaga 'yung na-a-appreciate ko sa kanya," sabi ni Kyline.

Samantala, kabilang sina Mavy at Kyline sa next big love teams ng Kapuso Network na Sparkle Sweethearts.

Tingnan ang sweetest photos nina Kyline Alcantara at Mavy Legaspi sa gallery na ito.