GMA Logo Marian Rivera at Dingdong Dantes
What's Hot

Lolit Solis, saludo sa tahimik na pagtulong ng DongYan

By Dianara Alegre
Published July 4, 2020 3:25 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Ebola outbreak is continuing to outpace the response, says WHO
Tagbilaran City Police, Gimanduan sa Pag-imbentaryo sa Tanang Service Firearms | Balitang Bisdak
Local fast food giant scores double victory at PR Awards Asia-Pacific for Gaming and Literacy Campaigns

Article Inside Page


Showbiz News

Marian Rivera at Dingdong Dantes


Ayon kay Lolit Solis, patuloy ang pagtulong ng mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Ipinahayag ng showbiz columnist na si Lolit Solis ang kanyang paghanga sa Kapuso Primetime King and Queen na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera dahil sa tahimik na pagtulong ng mga ito sa kapwa.

Aniya, mahahalata talagang taos-puso at totoo ang ginagawa nilang pagkakawanggawa dahil tikom ang bibig ng mga ito pagdating sa kanilang ginagawang pagtulong.

“Alam mo na sincere at totoo ang pagtulong ng isang tao Salve 'pag hindi mo naririnig mula sa kanya iyong itinulong niya.

“Iyong mabibigla ka na lang malaman na isa pala iyon tao na iyon sa tumulong. Iyon tao na hindi nagsasalita tungkol sa ibinigay niya, hindi iyon tao na paulit-ulit ikinuwento kung ano at magkano ang binigay.

Tamis tamisan sa Bohol... 🥰 #kaTribuYan

A post shared by Marian Rivera Gracia Dantes 🇵🇭 (@marianrivera) on


Binanggit din niya sina Dolphy, Vic Sotto at Bong Revilla sa mga listahan ng mga hinahangaan niya pagdating sa naturang aspeto.

“Ngayon ko naisip na kahit minsan pala hindi ko narinig magkuwento si Mang Dolphy, Vic Sotto at Bong Revilla kung sino ang mga humingi sa kanila ng tulong at tinulungan nila.

“Never nila nabanggit kahit kailan kung sino ang nabigyan [nila ng] tulong. Meron kasing iba na halos kahit sino kausap ang laging kuwento iyon binigyan niya ng ganito at ganoong tulong. Para tuloy hindi naman bukal sa loob niya iyon pagbigay, iyon bang nagbigay lang pero para may ikuwento.

“Sa panahon ngayon, si Dingdong Dantes at Marian Rivera ang alam ko na maraming tinulungan pero hindi ipinag-ingay, walang nakaalam. Charity is not a news item, ginagawa ito dahil mula sa puso. Ang nagbabayad para dito ang langit. So be generous, but quiet,” lahad ni Lolit.

Alam mo na sincere at tutoo ang pagtulong ng isang tao Salve pag hindi mo naririnig mula sa kanya iyon itinulong niya. Iyon mabibigla ka na lang malaman na isa pala iyon tao na iyon sa tumulong. Iyon tao na hindi nagsasalita tungkol sa ibinigay niya, hindi iyon tao na paulit-ulit ikuwento kung ano at magkano ang binigay. Ngayon ko naisip na kahit minsan pala hindi ko narinig magkuwento si Mang Dolphy, Vic Sotto at Bong Revilla kung sino mga humingi sa kanila ng tulong at tinulungan nila. Never nila nabanggit kahit kelan kung sino ang nabigyan tulong. Meron kasing iba na halos kahit sino kausap ang laging kuwento iyon binigyan niya ng ganito at ganuon tulong.Para tuloy hindi naman bukal sa loob niya iyon pagbigay , iyon bang nagbigay lang pero para may ikuwento. Sa panahon ngayon, si Dingdong Dantes at Marian Rivera ang alam ko na marami tinulungan pero hindi ipinag ingay, walang nakaalam. Charity is not a news item , ginagawa ito dahil mula sa puso. Ang nagbabayad para dito ang langit. So be generous, but quiet. #classiclolita #takeitperminutemeganun #73naako

A post shared by LolitSolisOfficial (@akosilolitsolis) on

Dingdong Dantes on COVID-19 crisis: "Mayroon talagang purpose"

Dingdong Dantes nais magbigay inspirasyon sa gitna ng COVID-19 pandemic

Marian Rivera cooks another batch of food donations for COVID-19 frontliners

Ilang proyekto ang sinimulan nina Dingdong at Marian sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic para makatulong sa mga nangangailangan.

Kabilang na rito ang ilulunsad na delivery app ng aktor na DingDong PH, na layuning matulungan ang mga manggagawa sa entertainment industry na nawalan ng trabaho.