GMA Logo Mutya in Makiling teaser
What's on TV

Mahiwagang bulaklak sa 'Makiling' teaser, usap-usapan online

Published December 15, 2023 5:49 PM PHT

Around GMA

Around GMA

No new regulations vs imported cars, modifications, tire age — LTO chief Lacanilao
Lea Salonga, Rachelle Ann Go part of 'Les Misérables' in Manila
#WilmaPH remains almost stationary over waters of E. Samar

Article Inside Page


Showbiz News

Mutya in Makiling teaser


Napanood mo na ba ang unang teaser ng 'Makiling'?

Naintriga ang maraming netizens nang mapanood ang unang teaser ng upcoming mystery revenge drama series ng GMA na Makiling.

Bukod kasi sa dark setting ng series, na-curious ang marami sa hawak na mahiwagang bulaklak ng bida ng serye na si Elle Villanueva na tinawag niyang “Mutya.”

Mapapanood sa teaser na tila may kakaibang dulot ang “Mutya” kung kaya't pilit itong aagawin kay Amira (Elle Villanueva) ng mga ganid na Crazy 5 na gagampanan nina Myrtle Sarrosa, Kristoffer Martin, Royce Cabrera, Claire Castro, at Teejay Marquez.

Sa kuwento ng Makiling, si Amira ay isang mabait at matulunging dalaga na mula sa pamilya ng mga manggagamot at albularyo sa isang baryo.

Katuwang ni Amira sa pagtulong sa kanilang lugar ang kanyang kababata at kasintahan na si Alex na binibigyang buhay ni Derrick Monasterio.


“OMG anong meron sa bulaklak at kay Maria Makiling? Kaabang-abang,” komento ng isang netizen sa naturang teaser.

“Wooh! Intense,” dagdag pa ng isang netizen.

Pero ano nga kaya ang magiging papel ng mahiwagang bulaklak na “Mutya” sa buhay nina Amira at Alex?

Tutukan ang pagsisimula ng Makiling sa January 8, 2024 sa GMA Afternoon Prime.