GMA Logo Elle Villanueva
What's Hot

'Makiling' star Elle Villanueva, may gustong ipaghiganti sa totoong buhay?

By Jimboy Napoles
Published February 20, 2024 1:50 PM PHT

Around GMA

Around GMA

WATCH: Minor Strombolian activity on Day 127 of Mayon Volcano's effusive eruption
Mag-inahan sa Cebu, Gi-heart sa mga Netizen | Balitang Bisdak
TikTok Shop honors standout creators at 2026 Creator Awards

Article Inside Page


Showbiz News

Elle Villanueva


Hindi lang ata sa 'Makiling' may revenge era si Elle Villanueva, kundi pati na rin sa totoong buhay.

Marami ang natutuwa sa palabang karakter ni Elle Villanueva bilang si Amira sa pambansang revenge drama ng Pilipino - ang Makiling.

Nagsisimula nang mapanood ngayon sa nasabing serye ang paghihiganti ni Amira sa grupo ng mga masasamang loob na Crazy 5 at sa pamilya Terra na sumira sa kanyang buhay.

Pero sa totoong buhay, may gusto rin kayang gantihan si Elle? Ito ang tinanong ng GMANetwork.com sa dalagang aktres sa isang interview.

Sagot naman ni Elle, “Meron at meron. Lahat naman tayo meron e.”

Kuwento niya, mararaming beses na rin siyang naloko ng mga tao at nagawa niya na ring maghiganti dito noon.

Aniya “So, ang naalala ko lang po is nung niloko ako ng mga tao. Hindi lang po isa, dalawa, maraming beses. So, nung una pong nangyari sa akin siyempre bata pa po ako no'n so heightened ang emotions ko.

“So, I acted on it na siyempre parang bata parang nagalit agad ako, sumisigaw ako, and ang type of revenge ko dati parang iba e, iba sa ngayon kasi let's say immature pa ako. So, acting upon your emotions talaga and that's bad.”

Paglilinaw naman ng aktres, may natutunan din siya sa mga pinagdaanan niya noon.

“So, iniisip ko na bago tayo mag-act upon our emotions, we need to reflect first. Tama ba 'yung sinabi niya about sa akin? Tama ba 'yung ginawa ko? Mali ba 'yung ginawa niya? You have to reflect and then dun ka mag-decide what you gonna do next and then forgive yourself, forgive the person, and then you heal,” ani Elle.

Bukod dito, dahil ang Makiling ay may tema rin ng bullying, nagbigay din ng mensahe si Elle para sa mga taong nambu-bully.

Aniya, “Wala pong magandang dulot ang bullying. Hurt people, hurt people. So, I hope na hindi na tayo mambu-bully ng ibang tao, hindi na tayo nang-iinsulto ng ibang tao.

“Let's just spread kindness to this world especially now na ang dami na pong war na nangyayari, also bullying on social media. Wala po siyang nadudulot na maganda. So, let's just spread positive words, and encourage everyone.”

Samantala, kamakailan ay nag-celebrate naman si Elle ng kanyang 28th birthday sa isang beach kasama ang kanyang boyfriend at leading man sa Makiling na si Derrick Monasterio.

Subaybayan si Elle bilang si Amira version 2.0 sa mas pinatinding twists sa Makiling, Lunes hanggang Biyernes, 4pm sa GMA Afternoon Prime.

RELATED GALLERY: TRIVIA: Get to know Kapuso actress Elle Villanueva