What's Hot

Makulay Ang Buhay: Sweet and sour tokwa para sa pagtangkad

Published October 4, 2021 4:16 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Daig Kayo Ng Lola Ko: Children Adventure Stories (Full Episodes Marathon) | Stream Together
OCD warns residents near Mayon Volcano about possible pyroclastic fall, ashfall
Healers, herbalists gather in Siquijor anew for healing festival

Article Inside Page


Showbiz News

camille prats in makulay ang buhay


Ang tokwa ay mayaman sa protein at calcium, ang nutrients na nakakatulong sa pagtangkad.

Ngayong 2021, muling inihahandog ng GMA Public Affairs ang edu-tainment program na Makulay Ang Buhay kung saan tampok ang celebrity mom na si Camille Prats bilang "Mom C" kasama ang kanyang puppet friends na sina Benjie at Penpen.

Sa October 2, 2021 episode ng Makulay Ang Buhay, ibinahagi ni Mom C ang kuwento ni Gian Giant.

Sa mundo ng mga giants, may pagsubok na kailangan nilang lagpasan--ang pag-abot sa mga ulap.

Kampante si Gian na malalagpasan niya ang pagsubok kaya hindi siya nag-ensayo, kaya pagdating ng contest, siya ang kulelat.

Tinulungan naman siya ng kanyang kapwa giants. Inengganyo nilang mag-ehersisyo si Gian at kumain ng masusustansyang pagkain. At dahil doon, matagumpay niyang naabot ang mga ulap.

Kaugnay ng kuwento ni Gian Giant, nagluto si Mom C ng nutri-sarap dish na nakakatulong sa pagtangkad.

Iyan ang sweet and sour tokwa na mayaman sa protein at calcium. Share pa ni Mom C sa Team Bahay kids, maaari ring kumain ng tokwa arroz caldo, pancit molo, at ginataang gulay na hindi lang masarap, healthy pa.

Panoorin ang full episode ng Makulay Ang Buhay sa video sa itaas. Kung hindi ito naglo-load nang maayos, maaari itong panoorin dito.

Siguraduhing gumising nang maaga para samahan sina "Mom C" Camille, Benjie, at Penpen sa kanilang fun-filled adventure ngayong Sabado, 9:45 a.m., at Martes, 8:00 a.m. sa Makulay Ang Buhay sa GMA.

Kung ma-miss n'yo man ang programa sa umaga, don't worry dahil maaaring balikan ang full episodes ng Makulay Ang Buhay sa GMANetwork.com o GMA Network app, Facebook.com/gmamakulayangbuhay, at GMA Playground YouTube channel.