
"Grateful" ang Sparkle teen actor na si Marco Masa sa oportunidad na ibinigay sa kanya ng Kapuso Network na mapasama sa Gen Z series na MAKA.
Ito ang bagong youth-oriented drama series ng GMA Public Affairs na mapapanood na simula September 21 sa GMA. Ang MAKA ay abbreviation para sa fictional school ng serye na Douglas Mac Arthur High School for the Arts.
Sa exclusive interview ng GMANetwork.com, ipinarating ni Marco kung gaano siya kasaya na mapasama sa teen show.
"Very grateful ako and thankful sa GMA dahil nabigyan nila ako ng opportunity ulit para maipakita ko 'yung talent ko sa pag-arte. Sobrang saya ko dahil gagampanan ko itong karakter ko," sabi ng aktor.
Sa MAKA, makikilala si Marco bilang Marco Reyes, isang choir member na may passion sa musika. Pipilitin niya makapasok sa Arts & Performance (A&P) section sa MAKA para sa isang babae.
"Si Marco Reyes hindi siya outgoing medyo introvert s'ya. Mahiyain, kumbaga tahimik lang s'ya, reserve, and observant s'ya. At saka masyado n'ya ring inaalala ang iniisip ng iba. Ang talent n'ya sobrang galing n'ya sa music. Music talaga 'yung pinakahilig n'ya, na naipapakita n'ya sa pamamagitan ng paggigitara," paliwanag ni Marco sa kanyang karakter.
Dagdag niya, "Another thing about sa character ko hindi niya ma-pursue 'yung pagkagusto niya sa music as art dahil 'yung parents n'ya hindi siya sinusuportahan dito."
Makakasama ni Marco sa MAKA ang kapwa niya Sparkle stars na sina Zephanie, Ashley Sarmiento, Dylan Menor, John Clifford, Olive May, Chanty Videla, at May Ann Basa. Makakatrabaho rin niya ang seasoned actor na si Romnick Sarmenta.
Kuwento ni Marco, "ka-close" na niya halos lahat ng co-stars sa MAKA.
"Si Clifford matagal naming pinag-uusapan na sana magka-work kami soon, finally magkaka-work kami. Of course, Ashley [Sarmiento] matagal ko na ring s'yang nakaka-work so very comfortable na rin ako na maka-work siya.
"Si Zephanie, si Dylan [Menor], talagang nabuo na rin 'yung closeness namin. Simula pa lang ng story conference parang ang gaan na ng pakiramdam namin sa isa't isa. Feeling ko sa pamamagitan ng show na ito mas mabubuo 'yung closeness namin and maipaparating namin 'yung bonding namin sa inyo. Makikita n'yo iyon sa show."
Abangan si Marco sa MAKA, simula September 21, 4:45 p.m. sa GMA.
MAS KILALANIN SI MARCO MASA SA GALLERY NA ITO: