GMA Logo James Blanco Maybelyn Dela Cruz Biboy Ramirez
Source: gmanetwork/IG
What's on TV

Maybelyn Dela Cruz, itinuring na 'sanctuary' ang 'Click' noon

By Kristian Eric Javier
Published July 9, 2024 6:43 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Cardinal David: Show kindness, compassion
Bagong steel hanging bridge, handog ng GMA Kapuso Foundation sa Rodriguez, Rizal | 24 Oras
Hospitals activate Code White on Christmas Eve

Article Inside Page


Showbiz News

James Blanco Maybelyn Dela Cruz Biboy Ramirez


Inalala nina Maybelyn Dela Cruz, Biboy Ramirez, at James Blanco ang masasayang panahon nila noon sa 'Click.' Basahin dito:

Isa ang Click sa mga pinapanood na teen-oriented shows noong late '90s hanggang early 2000s. Ang programang ito, na pumalit sa isa pang youth-oriented show T.G.I.S., ay unang ipinalabas noong 1999 tumagal hanggang 2004.

Ilang sa mga hinahangaan ngayon na celebrity ay naging bahagi rin ng show, kabilang na sina Maybelyn Dela Cruz, Biboy Ramirez, at James Blanco.

Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Huwebes, July 9, inalala ng tatlo ang mga panahon nila noon sa show.

Para kay Maybelyn, bonding time at sanctuary ang naiisip niya tuwing naalala ang kanilang show nang tanugin sila ni Tito Boy Abunda tungkol dito.

Aniya, “Kasi halos magkakaedad kaming lahat, so problema ng isa, parang problema naming lahat 'tapos nandiyan kaming lahat para i-solve.”

Isang masayang Saturday afternoon naman ang naiisip ni Biboy dahil kuwento niya, bukod sa pag-ere ng kanilang show sa araw na iyon ay 'yun din mismo ang araw na nagte-taping sila.

Sagot naman ni James, “Naku, napakasarap kasi hindi ako palalabas na tao, e. Ngayon 'pag Click na, excited ako kasi kasama ko sila e, du'n ako nakakalabas.”

Nang tanungin naman sila kung hindi ba naging pressure para sa kanila na bumida sa Click matapos palitan ang iconic show na T.G.I.S., sinagot ni Maybelyn na “It was.”

Paliwanag niya, “Because I came from TGIS also, kami nga lang 'yung mga bata. But siyempre ito, this is a different ball game kasi sa T.G.I.S. andun 'yung mga ate ko, si Ate Angelu (de Leon), andyan si Kuya Bobby (Andrews) na talagang sila 'yung mga puno ng show.”

“This time, kami mismo, so may pressure talaga. Also from the network, 'yung sa Artist Center at the time, talagang kailangan on time kayo. 'Pag may workshop, attendan niyo lahat,” sabi ng aktres.

Kinuwento naman ni Biboy na naimbitahan sila ni Maybelyn na maging parte ng show. Aniya, parte sila ng isa pang show noon ng GMA na Bestfriends, at inimbitahan sila.

Bestfriends, parang That's Entertainment siya, tapos isa ako sa cast ng Bestfriends. Kumuha sila ng cast from there, si Maybelyn, nasa Bestfriends din, so kami ang galing du'n,” sabi niya.

Ayon naman kay James, naimbitahan rin siya noon sa show matapos siyang mapanood umano sa mga commercial.

TINGNAN SA GALLERY NA ITO KUNG NASAAN NA NGA BA ANG 'CLICK' BARKADA: