GMA Logo MC, Lassy, Vice Ganda
Photo by: GMA Network (YT)
What's on TV

MC at Lassy, nagkaroon ng 'something' noon?

By Kristine Kang
Published September 13, 2024 4:49 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Rob Reiner’s son arrested on homicide charges after filmmaker, wife found dead
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News

MC, Lassy, Vice Ganda


Lassy sa kanyang nararamdaman noon kay MC: ''Di talaga mawawala iyon, e.'

May rebelasyong nalaman ang madlang Kapuso tungkol sa It's Showtime hosts na sina Lassy at MC nitong Biyernes, September 13.

Sa singing competition segment na "Tawag ng Tanghalan: The School Showdown," may naibunyag ang Unkabogable Star na si Vice Ganda sa gitna ng kulitan nila ng hosts.

Tila kasi pinagtitripan ni MC si Lassy kaya pinagtanggol ni Vice ang kanyang kaibigan. "Ginaganyan mo si Lassy, tandaan mo mahal ka niyan. Mas mahal ka ni Lassy kaysa sa mga lalaking pinili mo," sabi niya.

Doon na ikinuwento ng It's Showtime comedian ang dating kuwento nina Lassy at MC na, "[Noong] 2012, nagka something-an sila."

Marami ang naintriga sa rebelasyon ni Vice habang ang dalawang pinag-uusapang host ay mahiyang napangiti.

"2012, hindi sila nagsasama. So nagtataka ako [at] pinatawag ko sila. Sabi ko,'Ba't ang hirap-hirap ni'ong gawan ng schedule?' Tapos kunwari may raket kami, e tatlo kami palagi 'di ba? 'Pag puwede ito [si MC] mawawala 'yung isa. E, 'yung schedule, alam ko rin naman," kuwento ni Vice.

Marami ang natawa at nagulat nang ibinunyag na ni Vice, "Iyon pala, nagiiwasan. 'Di daw siya [si MC] komportable kasi sinabi niyang [si Lassy] nagkaka-something siya kay MC."

Habang tumatawa at nagulat ang lahat sa sinabi ni Vice, biglang nagbigay ng reaksyon si Lassy. "'Di talaga mawawala iyon, e. 'Di talaga mawawala iyon MC, e," sabi ni Lassy na may halong biro.

Kinilig ang iba noong sinagot ni MC, "Kahit 'di mawala iyan, okay lang."

Hindi naman napigilan ni MC mapangiti nang sabihin ni Lassy, "Alam kong TV ito, e. May usapan tayo sa backstage, 'di ba minsan? Kaya ganoon talaga pagka-care ko sa iyo, e."

Nagpatuloy ang kanilang usapan noong nagbiro ulit si Vice tungkol sa dati nilang sitwasyon. Biro niya kay MC,"Sabi mo ayaw mo siyang makita pero noong nakita ka namin, nagulat kami, bumibili ka ng Champoy. Ayaw mo siya makita pero kumakain ka ng Champoy."

"Parang nakita mo rin ako," dagdag ni Lassy.

Nang inutusan ni Vice si MC na magsalita na tungkol sa kanyang nararamdaman kay Lassy, seryosong sinabi niya,"Magandang maging magkaibigan muna tayo para mahaba ang ating relasyon."

Ang kanilang munting drama ay naputol noong sinabihan na sila ng It's Showtime crew na kailangan nang paakyatin muli ang dalawang contestants sa stage.

Subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA, GTV, at iba pang Kapuso platforms.