
Pangmalakasan daw ang unang mga eksena ng upcoming tech-driven action-drama series na Taskforce Firewall.
Ayon 'yan sa mga bida ng serye na sina Kapuso stars Kylie Padilla at Miguel Tanfelix.
Sumabak kasi ang dalawa sa isang buwis-buhay na stunt kung saan nag-rappel sila sa gilid ng isang building para sa isang eksena.
Ginunita ni Miguel ang experience nila dito sa media conference ng Taskforce Firewall.
"Grateful ako sa [production] kasi sobrang supportive nila, talagang sinigurado nila 'yun safety namin," pahayag niya.
"Since gusto nating pagandahin 'yung show gagawin namin, hindi kami nagdalawang isip ni Kylie. Rapelling training bukas? Game," dagdag pa niya.
Hindi naman napigilan ni Kylie na magbiro tungkol sa kanilang experience.
"Ikaw, hindi ka nagdalawang-isip. Ako, nagdalawang-isip ako. May dalawa 'kong anak na naghihintay sa bahay," bahagi ni Kylie.
Gayunpaman, idiniin niyang ang ganitong klaseng challenge ang nakakagana sa kanya bilang aktres.
"On my part naman, 'yun ang pinakagusto ko sa trabaho ko. Bilang artista, nakakapasok ako sa buhay na hindi ko buhay, nagagawa ko 'yung mga hindi ko talaga nagagawa," aniya.
Ang Taskforce Firewall ay tungkol sa isang grupo ng law enforcement agents na lalaban sa katiwalian ng mga taong gumagamit ng internet at technology sa masamang paraan.
Bukod kina Miguel at Kylie, bahagi rin ng serye sina Jak Roberto, Kyline Alcantara, Buboy Villar at marami pang iba.
Abangan ang Taskforce Firewall, simula May 25, 8:50 p.m. sa GMA Prime! May second telecast ito sa GTV tuwing 10:30 p.m. at mapapanood din sa GMA Play.
I-download ang GMA Play sa Apple App Store at Google Play. Available din ito sa GMANetwork.com/GMAPlay at sa mga Android TV.
SILIPIN ANG MEDIA CONFERENCE NG TASKFORCE FIREWALL DITO: