GMA Logo Mikay ng ToRo Family
What's on TV

Mikay ng ToRo Family, pinili kung sino ang isasama niya sa fine dining restaurant

By Marah Ruiz
Published February 27, 2025 1:28 PM PHT
Updated February 27, 2025 5:01 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Bystander who tackled armed man at Bondi Beach shooting hailed as hero
Visually impaired soldier promoted from captain to major
Farm to Table: (December 14, 2025) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

Mikay ng ToRo Family


Pinili ni Mikay ng ToRo Family kung sino sa cast ng 'Lolong: Bayani ng Bayan' ang isasama niya sa isang fine dining restaurant.

Ipinakilala na ang karakter ng viral ToRo Family member sa si Mikay sa action-adventure series na Lolong: Bayani ng Bayan.

Napapanood siya rito bilang Gemma, ang kasintahan ng dating boss ni Lolong (Ruru Madrid) na si Hector (Juancho Trivino).

Sa susunod na episodes ng serye, matutunghayan ang plano nina Gemma at Hector na perahan si Chona (Tanya Gomez), may-ari ng isang niyugan at pagawaan ng suka sa Tumahan.

Bilang katuwaan sa set, tinukoy ni Mikay ang mga male cast members ng Lolong: Bayani ng Bayan na isasama niya sa fine dining restaurant.

Isa sa mga napili niyang isama ang bida ng serye na si primetime action hero Ruru Madrid.

Humanga raw kasi siya sa malugod na pagtanggap nito sa kanya bilang guest star sa serye.

"Siyempre isasama natin siya sa fine dining restaurant kasi na-meet ko siya at sobrang bait niya. At balita ko ay talagang fan siya ng ToRo Family so isasama talaga natin siya," lahad ni Mikay.

Iiwan naman daw ni Mikay si Kapuso actor Martin del Rosario na gumaganap bilang isa sa mga kontrabida sa programa.

"Dahil sa picture na nakikita ko ngayon, iiwan natin siya. Parang ang tapang niya doon sa picture. Parang nakakatakot siyang isama sa fine dining restaurant kasi baka mamaya malaglag ko 'yung biskwit tapos magalit din siya. So iwan ka na lang, sir," aniya.

Alamin kung sino pa ang mga aktor mula sa Lolong: Bayani ng Bayan ang iiwan at isasama Mikay sa fine dining restaurant sa exclusive video na ito.

Samantala, sa ika-anim na linggo ng Lolong: Bayani ng Bayan, masusubukan ang tiwala ni Lolong sa mga tao sa paligid niya.

Isisiwalat ni Nando (Nonie Buencamino) sa kanya ang tunay na kulay ng kilalang negosyante at philantropist na si Julio (John Arcilla).

Kasabwat na rin ni Julio ang pinagkakatiwalaan ni Lolong na si Mayor Flavio (Rocco Nacino).

Kanino ba dapat kumampi si Lolong?

NARITO ANG MGA EKSENANG DAPAT ABANGAN SA 'LOLONG: BAYANI NG BAYAN':

Patuloy na tumutok sa dambuhalang adventure serye na Lolong: Bayani ng Bayan, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Prime.

May delayed telecast din ito sa GTV, 9:40 p.m. at maaaring panoorin online sa Kapuso Stream.