GMA Logo Mikee Quintos
Celebrity Life

Mikee Quintos, nag-alinlangan ibalik ang kanyang vlog

By Marah Ruiz
Published July 14, 2020 3:39 PM PHT

Around GMA

Around GMA

900 families affected by Mayon unrest in Albay receive aid from GMA Kapuso Foundation
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News

Mikee Quintos


Nakaramdam daw si Mikee Quintos ng pag-aalinlangan sa pagbabalik ng kanyang YouTube vlog.

May mga tanong daw si Kapuso actress Mikee Quintos para sa kanyang sarili kaya niya nagpadesisyunang i-relaunch ang kanyang vlog sa YouTube.

Isa ito sa mga personal na proyektong sinumulan niya noong quarantine.

Pero aminado siya na nakaramdam siya ng pag-aalinlagan dito.

Iniisip daw kasi niya ang magiging pagtanggap ng mga manonood.

"Kaya ko ba? Makakapag-follow through ba 'ko? Mase-send ko ba nang maayos 'yung message na gusto kong i-send, 'yung intention ko? Ang dali kasing ma misunderstand. Natatakot din akong makatanggap ng maraming bash 'pag di nila ko naintidihan," pahayag ni Mikee sa isang eksklusibong panayam ng GMANetwork.com.

Pero nakatulong daw sa kanya ang kanyang acting mentor na si Ana Feleo.

Ipinaalala daw kasi sa kanya nito ang mga magagandang posibilidad.

"Nag-stick sakin 'yung sinabi ni Ate Ana na 'Imagine all the lives you're gonna touch and all the people you're gonna help. Isipin mo na lang 'yun.' Tapos doon ako nalalakasan ng loob," bahagi ni Mikee.

Sa ngayon, nais niyang maghatid ng inspirasyon sa pamamagitan ng kanyang vlog.

"Hindi man ako maintindihan ng lahat, kahit isang tao lang makaintindi at matulungan ko 'yung buhay niya, okay lang. 'Yung possibility na mangyari 'yun, 'yun 'yung nagpapagana saking ibalik 'yung YouTube presence ko," aniya.

Alamin ang ilang pagbabago sa relaunched vlog ni Mikee sa eksklusibong video na ito.


Kamakailan, natanggap na rin ni Mikee ang kanyang Silver Play Button mula sa YouTube.

Agad naman niya itong ginawan ng unboxing video na mapapanood sa kanyang vlog.