
Hindi lubos na matanggap ni Allan "Mura" Padua ang balita nang biglaang pagpanaw ng dating katambal na si Noeme "Mahal" Tesorero noong August 31.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala si Mura na wala na ang kaibigan dahil mahigit tatlong linggo pa lamang ang nakalipas nang huling bumisita si Mahal sa kanyang bahay sa Guinobatan, Albay.
"Nabigla ako, e. Hindi ako naniniwala hanggang ngayon. Hindi talaga ako naniniwala. Kasi bakit patay na!
"Sabi ko hindi naman yata totoo 'yan, fake news naman yata 'yan, e," umiiyak na pagbabahagi ni Mura sa vlogger na si Virgelyn.
Patuloy pa niya, "Kasi, pumunta rito ang lakas-lakas niya pa, e, parang wala siyang nararamdaman.
"Sobrang saya niya, masayahin siya palagi. Parang wala naman sa kanyang nahahalatang may sakit siya."
Ibinahagi rin ni Mura ang pagnanais na makapunta sa Maynila para sana makiramay sa pamilya ni Mahal.
"Sabi ko, kung totoo man 'yan sana makapunta ako sa [libing] niya kung hindi siya i-cremate," sabi pa nito..
Naikuwento rin ni Mura na nais sana siyang muling bisitahin nina Mahal at Mygz Molino ngayong buwan para sana isama sa Maynila.
"Masakit kasi ang tagal naming hindi nagkita.
"'Tapos noong nagkita kami rito sa bahay ko isang araw lang kasi kinabukasan umuwi na rin sila.
"Sabi pa nga nu'n September babalikan nila ako para kunin daw nila ako nu'n. Sabi ko naman, oo," kuwento ni Mura.
Nagpaabot din ng pakikiramay si Mura para sa naulilang pamilya ni Mahal.
"Sa mga pamilya ni Mahal, lubos akong nakikiramay sa inyo. Hindi ako makapaniwala na si Mahal
"Gusto ko sana makapunta sa inyo, maramayan ko man lang kayo sa pagdadalamhati ninyo sa kaibigan ko.
"Pasensya na kayo malayo ako. Kung siguro malapit lang ako, nandyan din ako karamay n'yo.
"Nakikiramay ako sa inyong lahat family Tesorero."
Samantala, sa pagbisita nina Mahal at Mygz sa bahay ni Mura noong August 8, bukod sa grocery, pocket money at pambili ng baboy, mayroon ding munting pangako si Mahal para sa katambal na si Mura.Inside link:
"Hanggang sa tumanda ako o uugod-ugod, siyempre pupunta pa rin ako rito... Kapag halimbawa nawala ako sa mundo, mayroon akong munting naitulong sa 'yo.
"Sabi ko, Mura huwag ka na mag-ganyan [umiyak]. Parang naawa lang ako kasi hindi ko expect 'yung wala kang trabaho.
"'Yung pagte-therapy mo, hangga't nag-uugod-ugod, ipapa-therapy kita," emosyunal na pangako ni Mahal para kay Mura noong bumisita ang aktres sa bahay nito.
Tingnan sa gallery sa ibaba ang iba pang komedyante na pumanaw na: