
Ibinahagi ni Kapuso actress Winwyn Marquez ang kanyang pasasalamat at pag-alaala para sa isa sa itinuring niyang ate sa showbiz, ang pumanaw na komedyanteng si Noeme "Mahal" Tesorero.
Sa larawang ibinahagi sa Instagram, makikitang yakap nina Winwyn at Mahal ang isa't isa. Nagkasama ang dalawang aktres sa GMA romantic-comedy series na Owe My Love.
"From the first day na nakilala at nakasama kita parang naging ate na kita... lagi mo ako kinakamusta, sinasamahan, at inaalagaan. Kayong [dalawa] ni Mygz pinaramdam niyo na hindi ako iba kahit 'pag labas natin sa lock-in napaka-supportive at ateng-ate ka pa rin," pagbabahagi ni Winwyn.
"Napakabuti mong tao ate mahal... hindi pa rin ako makapaniwala na wala ka na. Sabi mo magkikita at mamamasyal pa tayo. Salamat sa ngiti na binigay mo sa amin at lalo na sa akin. Salamat sa mga usapang life and love. I really want to hug you right now.
"Sa pamilya ni ate and kay Mygz I send my deepest sympathies. Rest in peace Ate Mahal. I love you so much Mahal Tesorero. I love you so much," pagpapasalamat ng aktres.
Ibinalita kahapon, August 31, ang pagpanaw ni Mahal, sa edad na 46.
Samantala, kamakailan lamang ng bisitahin ni Mahal ang nawalay na katambal na si Allan "Mura" Padua sa bahay nito sa Guinubatan, Albay kung saan ipinalabas din ang pagtatagpo nilang ito sa Kapuso Mo, Jessica Soho.
Maliban kay Mahal, tingnan sa gallery sa ibaba ang iba pang komedyante na pumanaw na: