GMA Logo Dingdong Dantes
Photo by: GMA Network
What's on TV

Murder mystery drama 'Royal Blood,' mapapanood na ngayong Hunyo sa GMA

By Aimee Anoc
Published May 30, 2023 2:50 PM PHT
Updated May 31, 2023 3:02 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PCIJ: ‘Allocable’ for solons in Iloilo City, province reaches P4.3B
DOJ Usec. Jojo Cadiz, nagbitiw sa puwesto sa gitna ng alegasyon sa flood control
GMA Pinoy TV wins big at the Anak TV Seal Awards 2025!

Article Inside Page


Showbiz News

Dingdong Dantes


Ngayong Hunyo, mapapanood na ang murder mystery drama na 'Royal Blood,' na pagbibidahan ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes.

Puspusan na ang paghahanda para sa pinakamalaking suspenserye ng GMA ngayong taon, ang Royal Blood.

Mula sa lumikha ng Widows' Web na si Ken de Leon, at malikhaing pag-iisip ni RJ Nuevas, mapapanood na ngayong Hunyo ang pinakabagong murder mystery drama na pagbibidahan ng nag-iisang Primetime King Dingdong Dantes.

"'Yung konsepto kasi nito kakaiba talaga, very interesting, kasi suspense drama siya. For me, it's something I haven't done before," paliwanag ng aktor kung paano naiiba ang Royal Blood sa mga nauna niyang serye.

Sa Royal Blood, makikilala si Dingdong bilang Napoy, isang mapagmahal na single father na sinisikap maibigay ang pangangailangan ng kanyang anak sa pagtatrabaho bilang isang motorcycle rider. Siya rin ay bastardong anak ng isang business tycoon.

Hanggang sa bigla na lamang lumitaw ang estranged father nitong si Gustavo at gustong makipag-ayos sa kanya. Sa pagpasok sa mayamang pamilya ng kanyang ama, makikilala niya ang kanyang half-siblings na sina Kristoff, Margaret, at Beatrice. Dito, matutuklasan niya na ang pagiging mayaman ay hindi garantiya sa isang perpekto at masayang buhay.

Mas naging kumplikado ang lahat para kay Napoy nang may pumatay sa ama nito at siya ang itinuturong suspek.

Kasama sa star-studded cast ng action-packed family drama sina Megan Young (Diana), Dion Ignacio (Andrew), Mikael Daez (Kristoff), Lianne Valentin (Beatrice), at Rhian Ramos (Margaret). Ipinakikilala si Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo (Tasha) kasama sina Benjie Paras (Otep) at Arthur Solinap (Emil). Gaganap sa isang espesyal at mahalagang role sa serye ang multi-awarded actor na si Mr. Tirso Cruz III bilang Gustavo Royales, isang business tycoon at ama ni Napoy.

Ang Royal Blood ay sumasailalim sa direksyon ni Direk Dominic Zapata. Abangan ito ngayong Hunyo sa GMA Telebabad.

TINGNAN ANG ILANG BEHIND-THE-SCENES PHOTOS MULA SA SET NG ROYAL BLOOD SA GALLERY NA ITO: