
Inulan ng maraming likes at heart reactions mula sa netizens ang latest Instagram post ni Asia's Multimedia Star Alden Richards kung saan makikita ang kanyang sexy at toned physique habang naglalakad sa white sand beach.
Mas lalo raw pinainit ni Alden ang panahon ayon sa mga netizens na pinuri ang pagiging hot and fit ng aktor.
"Sir Alden masyado pong mainit ang panahon mas lalo mo pang pina-hot," komento ng isang fan.
Maraming netizens din ang nagpahayag ng makukulit na reaksyon tungkol sa video ni Alden.
Ang isang Instagram user, hindi raw makahinga nang mapanood ang thirst trap video ni Alden.
"Hindi ako makahinga kailangan ko ng oxygen hihihihihihihihi," saad nito.
Napakanta naman ng isang Orange and Lemons song ang isang follower ni Alden sa comment section.
Aniya, "Umuwi kana baby...hindi na ako sanay na wala ka..mahirap ang mag-isa."
Maging ang Kapuso stars na sina Dion Ignacio at Kakai Bautista, hindi napigilang magkomento sa post ni Alden.
Matatandaang isa si Alden sa napiling bagong endorser ng isang produkto na nagpo-promote ng fit at healthy body. Kasama niya rito ang aktres at magiging co-star niya sa Philippine adaptation ng Korean series na Start-Up na si Bea Alonzo.
Sa isang episode naman ng "Bawal Judgmental" sa Eat Bulaga kamakailan ay ibinahagi ni Alden na gumawa siya ng sarili niyang diet at workout plan para ma-achieve ang kanyang ideal weight.
Samantala, silipin pa ang ilang hottest photos ni Alden sa gallery na ito: